Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinapok ang demonyong incubus

0 101

Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba ay biglang nagising sa gabi na may nakadagan na demonyong incubus sa inyong katawan?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Si Timmy ng Makati ay tulog agad dahil sa matinding pagod kahit naka work from home siya kaya alas-10 pa lang ay nahimbing na siya. Pero bigla siyang nagising ng alas-4 ng madaling araw na may nakapatong sa kanya na isang demonyong Incubus.

Misteryo: “Timmy ang unang tanong ko nung makita mo yung demonyong incubus ano ang agad mong ginawa?”

Timmy: “Pagmulat ng mata ko natakot ako napasigaw ako kasi may nakapatong sa akin sobrang weird ang mukha Wala siyang mukha.”

Misteryo: “Walang mukha yung demonyong incubus?”

Timmy: “Oo Wala talaga parang burado yung face niya hindi ko nakita yung mata niya walang ilong Wala ring bibig.”

Misteryo: “Yung katawan niya nakita mo ba? Ano ang kulay ng skin niya?”

Timmy/ “Yung skin niya parang ivory yung color? Yung whole body niya ay ivory ang kulay nakahubad siya.”

Misteryo: “Sa bandang baba sa kaselanan niya nakita mo ba?”

Timmy: “Wala siyang gender. Wala akong nakitang genital niya kung male siya o female pero ramdam ko may desire siyang makipag-sex sa akin.”

Misteryo: “Bakit paano mo nasabi na may sexual desire siya pero Wala siyang gender. Ano ba ang gusto niyang gawin?”

Timmy: “Gusto niya akong I-rape gusto niya ako halikan sa dibdib ko kaya nagwala ako. At first hindi ako makagalaw then nung sumigaw ako yun na naigalaw ko na mga kamay ko. Sinapok ko siya sa mukha.”

Misteryo: “Mukhang incubus nga ang kumubabaw sayo pero ngayon ko lang nakumpirma thru you na ganun hitsura nila. So nung sinapok mo siya Ano na ang nangyari?”

Timmy: “Ayun bigla siyang nawala sa paningin ko at bumangon na ako nanginginig ako sa takot pero galit ako sa gusto niyang gawin.”

Maaaring hindi natin pinapansin ang ganitong experience pero very serious ito kasi demonyo na ang nilalang na ito kaya dapat bago matulog mag-pray o mag shield at hangga’t maaari matulog ng nakatagilid kung feeling niyo may threat sa inyo.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan , mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.