Abante Tonite Interactive

Sinas bad example sa lockdown protocol – Lacson

0 662

Bagama’t pinaboran ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin sa puwesto si National Capital Region Police Office (NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas, iginiit ng mambabatas na bad example pa rin ito dahil sa pagsuway sa quarantine protocol.

Kasabay nito, sinabi ng senador na hindi pa lusot sa kaso ni Sinas.

“I agree [with the President], but he should not escape punishment for what he did,” pahayag ni Lacson, dating Philippine National Police (PNP) chief, sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na hindi sisibakin sa puwesto si Sinas dahil tapat at mahusay naman itong police official.

Pero tiniyak ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, na sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte hindi naman ito makakaapekto sa administrative complaint na inihain nila laban kay Sinas.

Paniwala naman ni Lacson, kinonsidera ng Pangulo ang husay ni Sinas sa pagpaatupad ng mga quarantine measure sa Metro Manila.

“The President, I think, was thinking along the line of what he has done and what he is doing in implementing the ECQ in NCR,” ayon kay Lacson.

Gayunpaman, iginiit ni Lacson na `bad example’ pa rin Sinas dahil sa kanyang pasuway sa quarantine protocol.

“He’s facing criminal as well as administrative cases on account of the mañanita case, while celebrating his birthday. But his performance as NCRPO director is different from that singular act of indiscretion, shall we say. He really set a bad example,” ani Lacson.

Samantala, nilinaw rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa lusot sa kaso si Sinas at iba pang opisyal ng PNP na sangkot sa mañanita.

“Sa tingin ko po, malinaw ang sabi ng ating Presidente – mananatili po siya sa pwesto sa ngayon. At dahil dati namang piskal din ang ating Presidente, alam ng ating Presidente na kinakailangan umusad `yung proseso ng kasong kriminal,” ani Roque.

Matatandaang sinampahan ng kasong administratibo ng PNP si Sinas at 18 iba pang opisyal dahil sa ginanap na birthday party sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City na isang paglabag sa quarantine protocol.

Nilinaw naman ni Sinas na hindi birthday party ang ginanap kundi isang tradisyonal na mañanita.

Sinampahan din sila ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act and Taguig City Ordinance No. 12, s. 2020 na inoobliga ang pagsusuot ng face mask at physical distancing sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

“Ito poy’ sinampa na sa piskalya. magkakaroon ng preliminary investigation. Magkakaroon ng desisyon kung isasampa sa korte, at kung isasampa sa korte, kinakailnagan depensahan niya ang kanyang sarili,” ani Roque.

“Pagdating naman doon sa mga administrative cases, well, uusad din po yan kung ang rekomendasyon ay magtuloy ang administrative cases. Kung anuman ang sinabi ng presidente sa ngayon, dahil sabi niya ‘wag muna tanggalin ngayon, manatili sa pwesto ngayon. That is without prejudice kung ano ang magiging desisyon ng administrative cases kung ito ay papayagan na ihain ng Palasyo,” ayon pa sa kalihim. (Dindo Matining/Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad