Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas hinirit `wag palusutin sa Calabarzon raid

0 44

Iginiit ng human rights group na Karapatan na huwag palusutin at imbestigahan din ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si retired Gen. Debold Sinas at mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa kaugnayan umano ng mga ito sa pagkamatay ng mga aktibista sa tinaguriang “Bloody Sunday” na operasyon sa Calabarzon noong Marso 2021.

Nanawagan ang Karapatan sa Inter-Agency Committee on Extrajudicial Killings na idamay sa imbestigasyon sina Sinas matapos ihayag ng Department of Justice (DOJ) na naisampa na ang kasong murder noong Enero 14 laban sa 17 miyembro ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 4-A dahil sa pagkamatay ng mag-asawang Ariel Evangelista at Ana Mariz Lemita-Evangelista, na kabilang sa mga biktima ng “Bloody Sunday” operations noong Marso 7, 2021.

Kailangan din umanong panagutin ang hukom na nagpalabas ng mga search warrant pati ang mga opisyal ng militar at miyembro ng pulisya sa regional at provincial level na kasama sa madugong operasyon. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.