Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas kinampihan ni Gamboa sa pangha-harass

0 293

Ipinagtanggol ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas hinggil sa umanoy pangha-harrass nito sa isang pamilya na nakatira sa lupa na pagmamay-ari ng kapulisan.

“This is a lot owned by the PNP and I am sure na marami nang notices given to them to vacate because yun nga retired na yung kanilang ama. Probably we will investigate doon kung paano nila na carry-out itong order na ito but of course alam naman natin the video would speak a thousand words that’s why we will investigate on what happened during that confrontation,” pahayag ni Gamboa sa virtual press briefing sa Camp Crame Lunes ng umaga.

Paliwanag pa ni Gamboa, binibigyan ng quarter facility ang mga pulis kapag nasa serbisyo at kung nakadestino sa kampo o sa labas. Pero kapag nagretiro na aniya ay kinakailangan na nitong bakantehin ang tinitirhan sa kampo pero bibigyan sila ng isang buwang palugit para makalipat.

“So if you are assigned outside of Camp Crame then you necessarily you have to vacate immediately but of course merong grace period na 1 month. Ganun din ang ginagawa namin doon sa mga retired officers,” saad pa ni Gamboa.

Sa tanong naman hinggil sa isang police official na nanghablot ng cellphone sa isa sa nakatira na kumukuha ng video ay iimbestigahan ito ni Gamboa, pero nilinaw din nito na kaya maraming pulis na kasama si Sinas ay dahil sa nililibot nila ang kampo at nag-iinspeksyon sa mga posibleng pagtayuan ng mga quarantine facility sa mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Nitong Sabado ay isang Arles Delos Santos ang nag-post sa kanyang Facebook account hinggil sa umano’y pangha-harrass na ginawa sa kanila ng mga pulis sa pangunguna ni Sinas sa loob ng Southern Police District (SPD) compound sa Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.