Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas may bagong puwesto – Año

0 530

Hindi pa makakapagpahinga si retired Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas dahil bibigyan pa umano ito ng bagong pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año nitong Biyernes.

Sa speech ni Año sa ginanap na PNP change of command ceremony, pinasalamatan niya si Sinas sa pamumuno nito sa kapulisan sa loob ng anim na buwan.

Pero sabi ng kalihim, bagamat nagretiro na sa PNP si Sinas ay hindi pa ito tuluyang mawawala sa serbisyo dahil bibigyan ito ng bagong tungkulin ng Pangulo pero hindi pa sinabi kung anong ahensiya ng pamahalaan.

“Ang narinig ko noong isang gabi kay Pangulong Duterte, ikaw (Sinas) raw ay bibigyan ng panibagong trabaho so I wish all the best of luck to you,” ayon kay Año sa isang panayam. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.