Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas pinalayas pamilya ng ex-pulis

0 602

Inaakusahan ng harassment ng isang pamilya ang mga pulis na pinamumunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Major General Debold Sinas sugurin sa kanilang bahay at simulan umanong baklasin ang kanilang gate sa Taguig City.

Sa Facebook page ni Arles Delos Santos, sinabi nito na alas-4:00 ng hapon nitong Sabado habang nagpapahinga sila sa kanilang bahay nang tumahol ang kanilang aso at nakarinig sila ng kalabog at sigaw sa labas ng bahay nila sa Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

“Pagdungaw namin ay nakita ko ang isang batalyong armadong kapulisan na binabaklas ang aming gate. Hindi kami nagtaka kung bakit pero ang gusto namin ay mapayapang dayalogo, papel para sa legalidad ng kanilang ginagawa at kaligtasan ng aming pamilya,” saad sa FB post ni Delos Santos.

Dagdag pa nito ipinakita niya ang mga papeles na magpapatunay ng legalidad ng kanyang pamilya sa pagtira sa nasabing bahay at doon niya nakita si Sinas.

“Ipinakita namin ng kapatid ko ‘yung papeles namin dahil may pirma siya doon mismo na walang papeles ang PNP para gumamit ng lupa na ito. Samantalang kami, kumpleto ng kopya ng titulo, certificate of occupancy at S.P.A. mula mismo sa may-ari,” saad pa ni Delos Santos.

Sinabi pa nito na napansin niya na kinukuhanan sila cellphone video ng ilang pulis kaya kinuha din niya ang kanyang cellphone upang mag-video para sa dokumentasyon ng pangyayari subalit kinuha ito ng isa sa mga pulis.

Nakikipag-usap umano sila ng maayos pero patuloy ang ginagawang paninigaw ng ilang opisyal ng pulis sa kanila at ng subukan nilang kunin ang ipinakitang dokumento ay isang opisyal pa ang nag-amba sa kanyang susuntukin siya base sa videong nakuhanan.

“General Sinas, takot ang dinala ninyo sa amin at ng isang batalyong kasama mo. Nakikipag-usap kami nang maayos pero dahas ang ibinibigay ninyo sa amin,” saad pa nito sa kanyang FB post.

Sa inilabas namang statement ni Sinas, sinabi ng opisyal na hindi gate ang kanilang inalis kundi ang mga barikada na inilagay sa parking area ng motorpool kung saan nakatira ang pamilya Delos Santos na gagawin ng quarantine facility para sa mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The location recorded in the video circulating the social media is the barricaded parking area of the motorpool near the Motorpool Building and the old RDSU Building which the NCRPO is currently rehabilitating to be utilized as a quarantine facility for its frontline police officers who are Suspected, Probable and Possible (PUIs & PUMs) carriers/infected by COVID19.

These police officers have been exposed while fearlessly rendering frontline duty in the fight against this pandemic,” pahayag ni Sinas sa kanyang inilabas na statement.

Paliwanag ni Sinas ang nasabing lugar ay sakop at pag-aari ng Southern Police District (SPD) na nakuha nito sa pamamagitan ng memorandum of agreement na pinirmahan ng Philippine Navy. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.