Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas pinasisibak adik na pulis

0 81

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Director General Debold Sinas na paspasan ang summary dismissal proceeding at pre-charge investigation laban sa pulis na nagpositibo sa iligal na droga.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sinas na dapat ay mahatulan si Corporal John Rey Ibasco, na nakalataga sa Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRRDD-13).

“I was informed that a police officer from Police Regional Office-13 tested positive for drug use during random drug testing early this week in Butuan City,” sinabi ni Sinas.

Sinabi ni Sinas na sa 332 personnel na sumailalim sa mandatory drug test sa Police Regional Office (PRO) 13, si Ibasco lang ang nagpositibo.

Inihayag naman ni Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., PRO-13 regional director, na pinadisarmahan na niya sa pinuno ng RLRDD si Ibasco.

Ilalagay si Ibasco sa restrictive custody para matiyak ang pagharap nito sa mga imbestigasyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.