Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas puntirya mga Narco cop, big-time drug lord

0 157

Puntirya ngayon ni bagong talagang PNP chief Debold Sinas ang mga high-valued target pati na ang mga Narco cop.

Sa kanyang speech kasabay ng pag-upo niya bilang hepe ng PNP, sinabi nito na pakikilusin niya ang Drug Enforcement Unit para masawata ang mga naturang sangkot sa iligal na droga.

“On the campaign against illegal drugs, we will revitalize different Drug Enforcement Units to focus their operations on anti-illegal drugs, in the apprehension of high-value targets or individuals, and in the identification and neutralization of the remaining ninja and narco cops, including associates and associated networks,” lahad ni Sinas.

Ayon pa sa hepe, tanging mga pulis na walang napaulat na koneksyon sa iligal na droga ang ilalagay niya sa DEU.

Bukod pa dito, pinagbawal din ni Sinas ang paglalaro ng golf ng mga pulis kasabay ng working hours, pat ang pagtangkilik sa mga sugalan at casino.

Siniguro rin ng opisyal na mapaparusahan ang mga pulis na pasaway at walang disiplina sa kanyang termino.

“Administrative cases will be resolved properly and immediately and penalty will be implemented in order to remove corrupt and undisciplined personnel in the police service,” saad pa nito. (RP/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.