Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas tinukuran search warrant sa madaling-araw

0 188

Dinepensahan ni Philippine National Police (PNP) Director General Debold Sinas ang pagpapatupad ng kapulisan ng search warrant laban sa dalawang peace consultant na isinagawa ng madaling-araw.

“Kaya ganun ang ginamit nating approach para hindi nila alam kailan at anong oras mag-conduct ng search,” sabi ni Sinas sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng dalawang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na pumalag umano sa mga awtoridad na magsisilbi ng search warrant sa kanila bandang alas-tres ng madaling-araw sa Angono, Rizal.

Giit pa ni Sinas na parehong may warrant of arrest para sa kasong murder ang mga nasawi na kinilalang sina Eugenia Magpantay at Agaton Topacio.

Tiniyak naman ni Sinas na magsasagawa rin ng kaukulang imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service ukol sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.