Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinas, Villanueva dinamayan naulila sa McDo shootout

0 93

PERSONAL na nagtungo sa burol ni Police Corporal Elvin Eric Garado sa St. Peter Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City sina Philippine National Police chief Debold Sinas at Philippine Drug Enforcement Agency chief Wilkins Villanueva noong Biyernes.

Kabilang si Garado sa mga napatay na pulis sa madugong engkwento ng PDEA at PNP malapit sa isang mall nitong nagdaang mga araw.

SM food to go Banner Ad

Agad na nagpaabot ng tulong si Sinas sa pamilya para sa pagpapalibing at iba pang gastusin ng pamilya.

Dinalaw din nina Sinas at Villanueva ang taga-PDEA na namatay sa engkwento, habang pupuntahan naman sa bayan ng San Miguel, Bulacan ang isa pang nakaburol na taga-PNP. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.