Abante Tonite Interactive

Sinasabing Pinay suicide bomber lumutang sa NBI

0 445

Kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa tinutukoy na umano’y Pinoy suicide bom-ber na si Victoria Sophia Sto. Domingo na nagbigay ng kanyang affidavit sa National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) noong Hulyo 22, 2019 upang pabulaanan ang paratang.

Itinanggi ni Victoria na siya at ang kanyang fiancé na si Mark Kevin Samhoon, tatay ng kanyang bagong panganak na sanggol ay mga suicide bomber.

Itinanggi din ni Victoria na ang kanyang inang si Anarkalie Dulara Palliyagurugue Sto. Domingo ay isang ‘terrorist financier’.

Abante Hiring – IT dep

Paglilinaw ni Victoria na ang kanyang tatay na si Diosdado Manolette Mortalla Sto. Domingo ang nasa likod umano ng pagbansag at pagbibigay ng maling impormasyon sa awtoridad hinggil sa kanilang mag-asawa at kanyang ina dahi sa may hindi pagkaka-una-waan ang pamilya.

Hindi naman ipinaliwanag AFP spokesperson Marine Brig. General Edgard Arevalo ang iba pang detalye hinggil sa mga sinabi ni Victoria dahil ang NBI-CTD ang may karapatan hinggil sa nabatid na isyu.

Samantala, pinayuhan ng AFP ang publiko na ma-ging kalmado at ipagpatuloy lang ang kanilang normal na gawain subalit maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa kanilang paligid at iulat ang mga pangyayaring kaduda-duda sa militar o pulisya. (E­dwin Balasa)