Abante Tonite Interactive

Sindikato sa ‘Wowowin’ buking ni Willie

1,120

Hindi na naman nakaligtas kay Willie Revillame ang panibagong modus operandi na nagaganap sa kanyang show na “Wowowin”. Viral ngayon ang video ng pagkakabuking ng TV host sa isang audience na sumasabit sa grupo ng contestant para makapasok sa studio at makasama sa binibigyan ng ‘pamasahe’ ng galanteng host.

Sa episode ng “Wowowin” last Friday, sa segment na ‘Hep Hep Hooray’ ay napansin agad ni Willie sa grupo ng isang contestant ang isang lalaki na lagi raw nandu’n sa studio.

“Nagtataka ‘ko dito, laging nandito,” sey ni Willie sabay-turo sa lalaki.
Tinanong ni Willie nang diretsahan ang lalaki kung lagi ba itong nandito at sagot naman nito ay pangalawa pa lang.

Abante Hiring – IT dep

Tinanong din ni Willie ang mga kagrupo ng lalaki kung kilala ba ito at sumagot ang isa na pamilyar lang daw ang mukha nito pero hindi niya kilala.

So, buking na hindi nga kasama sa grupo ang lalaki at mukhang bagong modus ito para makapasok sa show.

Right there and then ay sinabihan ni Willy ang contestant na disqualified na siya at ang grupo niya.

“Hindi, kasi, bawal ‘yan, may nakapaskel sa labas. Bawal ka-yong tumanggap ng hindi n’yo talaga kasama. Kaya sa pag-interbyu ko pa lang, hindi siya kilala, eh,” sabi ni Willie.

Sinabihan niya rin ang grupo na hindi dapat pumapayag na masamahan ng iba.

“I’m sorry, disqualified kayo. Ibi-nabawal po namin dito ‘yan.

“Kasi kawawa kayo, nag-aambagan kayo, nagrerenta kayo ng sasakyan, tapos, maloloko lang kayo,” pahayag pa ng TV host.

Dagdag pa niya, unfair naman daw kung tatalunin pa ng “su-mabit” lang ang totoong naghirap na mga contestant na gumastos at nagrenta pa ng sasakyan.

“Bibigyan ko kayo ng pamasahe ‘pag legal na legal kayo,” sabi pa ni Willie.
We learned na hindi ito ang unang pagkakataon na nadiskubre ni Willy ang raket at sindikato sa “Wowowin.” Last year ay nabuking din ng TV host na may mga fixer na nag-aalok ng tickets para makapasok sa show.

Babala ni Willy: “Tatandaan n’yo, hindi niyo ‘ko puwedeng lokohin kasi kita ko lahat ng nangyayari dito.”

Sharon na-stress sa mga batang natsutsugi

Malapit na palang magsimula muli ang bagong season ng “The Voice Kids” at marami ang nagtaka kung bakit hindi na kasama si Sharon Cuneta bilang isa sa mga coaches.

May isang netizen na hindi nakatiis at nagtanong kay Sharon sa Instagram kung bakit hindi na siya coach. Sinagot naman ito ni Megastar.

“I cannot stand the stress kasi. I become so attached to the kids and it weighs heavily on my heart pag kailangan na mag-eliminate. Nung May ko pa sinabi kay Mr. M yon,” ang paliwanag ni Shawie.

Matatandaang taong 2016 nang unang maging coach si Sharon ng “The Voice Kids Season 3” with Bamboo Mañalac and Lea Salonga. That time ay pinalitan niya si Sarah Geronimo.

Pero after that ay nakasama pa siya sa “The Voice Teens” in 2017 at kumpleto silang apat (Sharon, Lea, Bamboo and Sarah) na coach.
Sa bagong season ng “The Voice Kids” na magsisimula sa August, it has been confirmed na ang mga coaches ay sina Bamboo, Sarah and Lea na lang.