Abante Tonite Interactive

Sine Sandaan magbibigay sa Pinoy Art Deco Cinema

0 255

“Take a trip down memory lane.” Iyan ang experience na dapat abangan ng honorees, living legends, at icons ng Philippine Cinema sa darating na Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema’s 100 Years sa Setyembre 12 sa New Frontier Theater. Gagawing Art Deco Cinema ang venue bilang pagbibigay-pugay sa standalone theaters noong Golden Age of Philippine Cinema.

Sa pagdiriwang ng ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino, Art Deco Cinemas ang visual theme para sa Sine Sandaan. Kilala ito noong 1930s at 1950s para sa kanilang intricate structure, at ito rin ang itinuturing na simbolo ng unang pagkilala sa pelikula bilang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.

Minsan nang naging tahanan ng local at Hollywood movies at iba pang acts at performances, ang New Frontier Theater ang perfect venue para sa Sine Sandaan. Ito ang itinuturing na pinakamalaking sinehan sa Asya noong itinayo ito noong 1965 at isa rin itong classic entertainment landmark noong 1960s sa Cubao, Quezon City. Sa tulong ng Big Bulb, Inc., ita-transform ang theater bilang isang Art Deco Cinema. Mapupuno ang venue ng Art Deco aesthetics at elements ng old cinema, pati na rin ng details of the past and the modern para sa once-in-a-lifetime milestone ng film industry.

Pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagdiriwang at official launch ng Centennial Year sa Sine Sandaan sa Setyembre 12. Mahigit sa 300 luminaries at icons ng Philippine Cinema ang inaasahang rarampa sa red carpet. Tampok din ang powerful performances ng biggest names sa music industry at best singers sa bansa na magha-highlight sa journey ng Pelikulang Pilipino sa daang taon nito. Ang event ay co-presented ng CMB Film Services at ABS-CBN at sinusuportahan ng Department of Tourism (DOT), Araneta Group, at Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP). (Roldan Castro)