Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinehan sa Cebu bubuksan na

0 262

Target na ng Cebu City government na buksan ang ilang sinehan sa lungsod kasabay ng dalawang buwan nang pag-iral ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) doon.

Sa ulat, sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na nakipagkita siya sa mga mall owner at cinema operator nitong Miyerkoles tungkol sa isyu.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines, maaari nang magbukas ang mga sinehan ng hanggang 50 porsiyento sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

Ani Labella, ayaw muna niya sanang payagan ang pagbubukas ng sinehan pero humiling ang mga mall owner na payagan na ito kahit sa limitadong kapasidad. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.