Abante Tonite Interactive

SING OFFS

8

SINU-SINONG contestants kaya mula sa Team Sharon at Team Bamboo ang makakalagpas sa SING-OFFS at sasabak sa live semi-finals?

Abangan iyan sa The Voice Kids ngayong Sabado at Linggo (August 13 at 14) nang gabi sa ABS-CBN.

Pipiliin na nga nina Sharon Cuneta at Bamboo ang huling set ng contestants na bubuo sa kanilang team para sa live semi-finals at makakalaban sina Angel, Joshua, at Yesha ng Team Lea.

Magtatapat-tapat sina Sharla, JC, Gella, Alvin, Hannah, Ian, Timoty at Antonetthe ng Team Sharon.

Pasiklaban sina Elisha at Ezra, Xylein, Princess, Justin, Kenneth, Bernard at Kyle ng Team Bamboo.

Ang live semi-finals ay gaganapain sa Newport Performing Arts Theater sa ­Resorts World Manila sa susunod na linggo.

Huwag palampasin ang The Voice Kids tuwing Sabado nang 7:15 PM at Linggo nang 7:00 PM sa Kapamilya Network.