Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singapore agency sinuspinde sa reklamo ng Pinay

0 301

Matapos tanggihang ayusin ang reklamo ng isang Pinay household service worker (HSW), sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang isang Singapore-based employment agency.

Ang Union United Employment Pte Ltd ay sinuspinde dahil inagrabyado umano ang isang Pinay HSW na kinolektahan ng bayarin sa kanyang sahod na walang kapahintulutan at nabigong ayusin ang mga dokumento ng kanyang deployment sa kabila ng pagiging isang accredited agency ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Magiging epektibo ang suspension order sa loob ng 60 araw.

Sa naturang kautusan ipinahinto ang operasyon ng agency at sinuspinde ng POLO at POEA ang lahat ng pagpoproseso ng mga dokumento ng nagkasalang ahensya.

Inirekomenda din ng POLO-Singapore sa POEA ang pagpapawalang bisa sa accreditation ng ahensya upang maiwasang mabiktima ang mas maraming HSW.

(Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.