Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singapore tatanggap ng OFW kahit `di bakunado

0 161

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo na maaari pa ring makapasok ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore kahit hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Subalit inihayag din ni Saul De Vries, labor attache sa Singapore, na kailangan pa rin umanong dumaan ang mga OFW sa istriktong health protocol katulad ng 21 araw na quarantine at RT-PCR test.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It is not a condition for OFWs to be inoculated before departing for their jobs. However, the Singapore government requires them to undergo a 21-day institutional quarantine and take RT-PCR test thrice,” wika ni De Vries.

Ngunit dagdag pa niya, sa ngayon ay suspendido pa ang pagpasok ng mga manggagawa mula sa mga bansa na may mataas na kaso ng COVID-19. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.