Abante Tonite Interactive

Singer, ‘di naghubad ng jacket kahit butil-butil na ang pawis

By
12

KAKAIBA ang boses ng male singer kaya 4 na yes agad ang nakuha niya sa mga hurado ng singing contest.

Pinatunayan ni kuya na keribels niyang kabugin ang ibang finalista.

Kasama sa natamo niyang prem­yo ang ikutin ang mga TV show sa kanilang station.

Abante Hiring – IT dep

Naging part siya ng top-rating musical show kaya nakilala siya nang husto.

Naikot niya ang iba’t ibang region ng lupang hinirang, pati na ang iba’t ibang key cities sa continents ni Mother Earth.

Mas dumami ang kanyang datung. Nabili niya lahat ng gusto niya — condo unit, ­kotse at ang gusto niyang leather jacket at Rayban shades. (Panalo!)

Walang patid ang swerte niya. Parang wala ­siyang pagod. Go lang nang go para more & more ang datung.

Isang umaga sa NAIA, dumating si male ­singer na naka-jacket na parang ang bigat-bigat, at ang shades eh kaydilim-di­lim. Nakita siya ng grupo ng mga bading na ‘yung dalawa ay kilala sa showbiz.

Na-shock sila dahil mailap sa mga tao si male singer.

Chika ng grupo, vampira ba siya? Parang nasisilaw si kuya sa liwa­nag ng araw.

Maginaw ba? Bakit naka-jacket siya eh kay-init-init ng panahon.

Hindi siya nangingibo ng mga utaw. Tanging ‘yung handler niya lang at alalay ang chinichika niya.

Gumora si kuya sa palikuran na ganu’n pa rin ang suot niya.

Related Posts

Waah siya bitbit ng maleta.

Enter na sa airplane… Hindi pa rin niya hinubad ang suot. Ang ibang mga pasahero, init na init sa kanya.

Nakababa na ang eroplano… wait ang mga gamit … waiting ang ibang mga pasahero pero si singer, nasa sulok lang.

Kapag tinitingnan siya na parang nakikilala na siya, tumatalikod si kuya.

Palabas na ng airport… tagaktak na ang pawis ni kuya. Butil-butil.

Hindi niya pa rin hinuhubad ang jacket at shades.

Ang mga tao, kabilang ang grupo ng mga beki, pinagtawanan na lang siya.

Makalipas ang ilang buwan… Nagkrus muli ang landas ng male singer at kilalang bading na nakasabay niya before sa eroplano.

Na-shock si beki dahil si singer eh pumayat.

Naka-polo shirt na lang. Wala na ring shades.

Ito pa ang unang bumati kay bading at nakiusap na isama siya sa shows at diretso nalang sa kanya.

Dinidedma na raw siya ng dati niyang ma­nager.

Nagpalitan sila ng number.

Natatawang tumalikod si beki at ang tanong sa sarili, “Nasaan na kaya ang jac­ket at shades ni singer?”