Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actor inisnab ang girl na walang boobs, puwet

0 101

Matindi ang tama nu’n ng isang female personality sa isang singer-actor. Kaso, hindi siya type ng male personality, deadma ito sa kanya.

Ginagawa na ng babaeng personalidad ang lahat pero wapakels pa rin ang lalaki, talagang iniiwasan siya, sa mga eksena lang nila sa isang palabas kunwari siya type ng singer-acror.

Kuwento ng aming source, “Inis na inis siyampre ang girl, bakit nga naman siya dine-deadma lang ng guy, samantalang wala naman siyang nakikitang dahilan para iwasan siya?

“One time, para wala nang lusot ang guy, nagpunta ang girl sa bahay nila. Nasa labas pa ang singer-actor that tme, itinawag lang sa kanya ng kapatid niya na nandu’n nga raw ang girl sa bahay nila.

“Kung saan-saan nagpunta ang guy para hindi sila magkita ng girl sa bahay nila. Nag-bar muna ang male personality, pero ang tagal-tagal na, nandu’n pa rin ang girl sa house nila!

“Hanggang sa gumawa ng kuwento ang lalaki, tumawag siya sa kapatid niya na hindi siya makauuwi, nagkayayaan daw silang magkakaibigan na magpunta sa isang probinsiyang malapit lang naman sa Manila!

“Nu’n pa lang umalis ang girl sa bahay nila, napahiya na siguro, dahil halata namang iniiwasan siya ng lalaki!” unang kuwento ng aming source.

Palaging ganu’n ang drama nila, iwas nang iwas ang male personality sa girl, talagang hindi type ng guy ang babae.

Patuloy ng aming source, “Minsan, e, may nagtanong sa male personality kung bakit iniiwasan niya ang girl? Palay na ang lumalapit, ayaw pa ng manok?

“Simple lang ang sagot ng singer-actor, wala raw kadating-dating sa kanya ang girl, dahil sa sobrang kapayatan! Walang boobs, walang puwet, para lang siyang stick na diretso ang katawan!

“Sorry na lang sa girl, mahilig pala kasi ang guy sa may malalaking boobs at matambok ang wetpax! Walang-wala ‘yun sa girl dahil sobrang payatolah niya!

“Pareho na silang pamilyado ngayon, pinagtatawanan na lang ng guy ang nakaraan, pero ang girl, inis na inis pa rin sa male personality! Interbyuhin kaya ng girl sa vlog niya ang lalaking walang kagustu-gusto sa kanya?” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Alden lalaban sa trabahong-kalabaw

Itiniklop na ang istorya ng “The World Between Us” na pinagbibidahan ni Alden Richards katambal si Jasmine Curtis. Maghihintay na naman ang mga tagasuporta ng Pambansang Bae sa gagawin niyang proyekto sa GMA-7.

Matindi ang pinaghuhugutan ni Alden sa madadramang eksena, walang kahirap-hirap ang direktor sa kanyang pag-arte, matatawag nang aktor ngayon ang guwapong aktor.

Hindi halos kami makatutok sa mga eksena ni Alden dahil napakaraming tumatawag at nagte-text sa amin. Konting patulo lang niya ng luha ay puring-puri na siya ng aming mga kausap.

Sabi pa ng isa, “Naghihiganti na siya, galit na galit na ang itsura niya, pero kaguwapuhan pa rin ni Alden ang nakikita ko! Kilig na kilig naman ang mga apo kong literally, e, walang pinalampas na episode ng seryeng ‘yun!”

Halatadong alagang-alaga ng GMA-7 si Alden Richards. Homegrown talent kasi nila ang Pambansang Bae. Piling-piling serye ang ibinibigay sa kanya.

Kunsabagay, kahit naman saang network magtrabaho ang guwapong aktor ay siguradong aalagaan din siya, poste kasi siya ng istasyon.

Isang source namin sa GMA-7 ang nagsabi, “Wala kaming naging problema kay Alden, busy siya, pero alam niyang i-handle ang schedule niya. Mabait siya, wala siyang nakaengkuwentrong kahit sino sa production.

“Iba talaga kapag maganda ang attitude ng artista, walang nagiging problema, magaan ang trabaho,” sabi nito.

Ngayon ang dating ni Alden Richards mula sa kanyang bakasyon sa Amerika. Para siyang makinang bagong linis at pahinga ngayon na handa na namang lumaban sa trabahong-kalabaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.