Abante Tonite Interactive

Singer actor iniwan ng dyowa sa sobrang elya

564

Maraming nagpatotoo na kasing-init kuno ng kumukulong tubig ang libido ng isang singer-actor. Rabbit ang tawag sa kanya ng mga kadikit niya, palagi raw kasing aktibo ang kanyang sex life, wala siyang pinipi-ling lugar basta umaariba na ang init ng katawan niya.

Bagets pa lang ang singer-actor ay marami nang nakakaalam tungkol sa sobrang init ng kanyang libido. Kahit sa kanyang kotse ay nakapagpapalipas siya ng tawag ng pangangailangang seksuwal.

Kuwento ng aming source, “Naku, sobrang hilig ng lalaking ‘yun! ‘Di nga ba, may nakahuli sa kanya sa parking lot ng isang hindi masyadong kilalang mall na may ginagawang milagro du’n kasama ang isang female personality?

“Sino ba naman kasi ang hindi maghihinalang may nagaganap sa car, e, gumigiwang-giwang ‘yun nang paudlot-udlot? Sa totoo lang, grabe siya sa tawag ng laman!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

‘Yun daw kaya ang tunay na dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang karelasyon? Hindi na siguro kinaya ng girl ang kanyang kael-yahan, kaya siya iniwan, naghanap na lang ng iba ang female personality.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Naku, partida pa ‘yun, ha? May kabigatan pa ang katawan ng male persona-lity na ‘yun, tamad pa siya nu’ng lagay na ‘yun, ha?

“Paano pa kaya kung masipag siya, kung hindi siya tulog lang nang tulog, e, di lalo na? Ayun, dahil hiniwalayan na siya ng girl, e, wala na siyang choice kundi ang magsariling sikap na lang!

“Ganu’n na lang ang palagi niyang ginagawa ngayon, tamad din kasi siyang maghanap ng bagong partner, tamad siyang manligaw, lahat-lahat na lang, e, kinatatamaran niya!

“Kung ‘yun na lang ang tanging paraan niya para magpaalpas ng init ng libido niya, e, ‘di go! Pero huwag na lang sana niyang ibini-video pa ‘yun!
“Mahalay na kasi siyang tingnan ngayon, masyuba na siya, ang laki-laki pa ng tiyan niya, ‘no!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.
***

Comedy Queen naka-welding kay Ai Ai

Feel good. Nakakaaliw. Pang-alis ng pagod at stress. Ilan lang ‘yun sa mga naririnig n­aming komento ng mga kasama namin sa panunulat pagkatapos nilang panoorin ang pelikulang “Feelennial” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Ba-yani Agbaya-ni.

Ibang-iba nga naman kasi kapag ang nagtambal ay tulad nina Ai Ai at Bayani na napakanatural ng atake sa pagkokomedya. Nakakaaliw sila at hindi nakaiinis.

Wala pa ring makaaagaw sa korona ni Ai Ai bilang Comedy Queen ng kanyang panahon. Maraming nagtangkang agawin sa kanya ang upuan pero nangawit lang sila sa pagtayo sa kababantay na kumupas ang atake ni Ai Ai.

Kinakarir kasi ng komedyana ang lahat ng proyektong ginagawa niya, mapa-comedy series man ‘yun, concert o pelikula. Iba ang kanyang timing, i­pinanganak siyang komedyana talaga, kinakaya niyang pahalakhakin ang mundo sa anumang panahon sa atakeng kanyang-kanya lang.

Ganu’n din si Bayani Agbayani na seryosong-seryoso sa biglang tingin pero sa likod nu’n ay ang natural nitong pagkokomedya.

Masang-masa ang kanilang atake ni Ai Ai, pangkaswalan, ganu’n ang kinasasabikang mapanood ng ating mga kababayang suyang-suya na sa mga nagaganap na kaguluhan sa ating kapaligiran.

Kuwelang-kuwela sa mga nakapanood na sa “Feelennial” ang pagbabatuhan ng paglalaitan nina Ai Ai at Bayani. Sakto kasi silang pareho sa timing, alam nila kung kailan magbabato ng mga dayalog, kaya ang pagtawa lang dapat ay nagiging halakhak.

Tamang mga bida, tamang timpla ng komedya, maligayang bati kina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.