Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actor mahilig sa sex

0 1,176

Walang binatbat ang mga kabataang artistang lalaki ngayon sa isang nagkakaedad nang singer-actor kung init ng libido ang pag-uusapan. Nasa Row 4 lang sila na katabi ang mabahong basurahan.

Grabe ang male personality na ito, talagang hindi siya mapakali hanggang hindi naglalabas ng init ng kanyang katawan, ‘yun ang itinuturing niyang bitaminang hindi nabibili sa kahit anong drug store.

Sigaw ng isang source, “Ay, I agree! Siya na talaga, siya na nga at wala nang iba pa! Grabe ang mokong na ‘yun, talagang kasing-init ng kumukulong tubig ang libido niya!

“At maparaan siya! Marunong siyang humanap ng paraan para mapaalpas ang init niya, unang-una na du’n ang pakikipaglaro niya sa sarili niya!

“Bata pa naman kasi siya, e, nanonood na siya ng isang pambatang show, kaya sa paggising pa lang niya sa umaga, e, kumakanta na siya ng batibot!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng medyo nagbibinata na ang male personality ay lalong nagsumidhi ang init ng kanyang karburador, malakas naman ang sex appeal niya, kaya madali siyang nakahanap ng makakapareha sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan.

Patuloy ng aming source, “Naman! Napakarami na niyang nakasalo sa kaligayahan! Matindi siya, mabangis siya sa girls, napakalakas ng appeal niya!

“Hanggang nu’ng mag-asawa na siya, e, ganu’n pa rin siya, talagang napakahilig niya sa sex, para siyang hindi mabubuhay nang walng ganu’n!” madiin pa uling kuwento ng aming source.

Ilang beses na siyang nahuhuli ng kanyang misis na may kakuyangyangan. May artista, may singer, may modelo, marami!

“’Yung singer na kinarelasyon nu’ng male personality, e, sinugod nang minsan ng wife niya! Naku, kung wala lang mga taong umawat sa kanila, e, siguradong nakipaghalikan sa sahig ‘yung female singer sa tindi ng galit ni misis!

“May isa pang young female personality na pinatos ang male personality, seksing-sexy, mainit din ang bagets actress, kaya nagkakasundo sila!

“Hanggang ngayon, e, umaariba pa rin ang libido niya, pero wala nang pumapatol sa kanya, lumaki na kasi siya nang lumaki, wala na siyang igi-give pagdating sa kama!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Bea type ng mga tibo

Paboritong paksa ng mga tibo si Bea Alonzo. May kaibigan kaming tunggril na yata nu’ng ipanganak na ang kaisa-isang pangarap lang ay ang makilala nang personal ang magandang aktres.

Wala itong pakialam sa ibang artista, si Bea Alonzo lang talaga ang type na type ng kaibigan naming miyembro ng Tung dynasty, bakit nga ba?

Diretso nitong komento, “There’s something in her na ang sarap matuklasan. Sobrang mysterious ang dating niya sa akin. Sa aming lahat ng mga katropa ko.

“Sa kanya lang kami interesado, wala kaming pakialam sa mga naggagandahan at nagseseksihang artista d’yan! Team Bea Alonzo lang kami,” seryosong paliwanag ng aming kaibigan.

Matagal nang umiikot ang kuwentong nakapagdududa rin ang kasarian ng magandang aktres. Hindi siya galawgaw, babaeng-babae ang kanyang dating, pero bakit nga ba napapabalitang tibo rin ang pagkaganda-gandang aktres?

Kunsabagay, meron ding mga babaeng sakdal-hinhin kung tingnan, pero hati ang kanilang puso sa pakikipagrelasyon. Puwede sila sa lalaki at puwede rin sa kapwa babae.

Pero ang ganda-ganda ng paglalarawan ng kaibigan naming propesor kay Bea, “Para kasi siyang alak. Habang tumatagal, lalong sumasarap. Ang mga kakontemporaryo niya, e, nangawala na, pero si Bea, heto pa rin at nagsasalita ang presensiya!

“Bihira lang ang babaeng mas lumalakas ang sex appeal kapag nagkakaedad na. Isa si Bea du’n. Kaya tanungin mo ang kahit sinong young actor ngayon kung sino ang type niya.

“Bea Alonzo lang ang sagot. Maganda kasi siyang magdala. Kakaiba ang dating niya. Tama, may pagkamisteryosa siya,” kumpletong pahayag ni prop.

Alam na this!

Leave A Reply

Your email address will not be published.