Abante Tonite Interactive

Singer-actor may kumalat na dickfie

1,375

tonite-pak-allan-dionesMedyo nalerky kami nang makita namin ang scandal photo ng isang singer-actor na kumakalat ngayon.­

Hindi mo kasi iee-expect si not-so-active singer-actor (NSA) na mapapasama sa listahan ng male celebs na may viral scandal photo.

Unang-una ay wala sa image ni NSA na nagse-selfie siya na litaw ang kanyang nota, pero ayun nga’t may kumalat na dickfie niya.

Curious kaming malaman kung kanino sine-send ni NSA ang pic niya na nakalitaw ang ari niya dahil may asawa siyang tao at may mga anak siyang dalaga na.

Ano na lang ang magiging reaksyon ng misis ni NSA at lalo na ng kanyang mga anak kapag nakita ang malaswang larawan ng kanilang ama? Kalukring!

Nakangiti si NSA nang kunan ang dickfie nito habang nakahiga sa kama. ‘Yung ibang netizens na nakakita ng pic ay pinagtatawanan ang suot na underwear ni NSA dahil para raw itong naka-tangga.

Tila proud si NSA sa hinaharap niya kaya buong ningning niya itong idinispley at kinunan ng pic ang sarili niya.
In fairness ay mukhang may promise ang notes niya, hindi lang namin sure kung super-galit na ba ‘yon o hindi pa.
Naalala namin na isang singer-comedienne na nakarelasyon dati ni NSA ang nagkuwento sa amin na ‘dakila’ ito kaya sobrang enjoy daw siya sa mga lampungan nila.

Medyo kilala sa pagiging matulis si NSA, pero alangan na sa edad niya ang magkaroon ng scandal photo na mas bagay sa mga batang celebrities.

Hindi na kasing-active ng dati ang showbiz career ni NSA, pero napapanood pa rin siya paminsan-minsan sa telebisyon.
***

Kris nag-dialogue na wala sa kamera

In all fairness ay nag-enjoy kami sa very entertaining na ‘Crazy Rich Asians’ na ang daming nanonood nang mag-LFS kami sa TriNoma nu’ng Huwebes.

Maraming eksenang tawang-tawa kami at benta sa amin ang humor ng pelikula. Sobrang havey si Awkwafina bilang si Peik Lin, ang college beshie na taga-Singapore ng bidang si Constance Wu.

Kuwela ang mga eksena ng Chinese-American comedienne at wagi rin ang Fil-Am comedian na si Nico Santos as Oliver Tsien, ang funny gay cousin ng male bida na si Henry Golding.

Natakam din kami sa masasarap na pagkain na nilafang nila at bigla naming na-miss ang hawker food sa Newton Food Centre, na unang kinainan nina Rachel Chu & Nick Young with their friends Colin & Araminta.

Pinag-uusapan ‘yung highlight na mahjong scene nina Constance at Michelle Yeoh, pero mas tumatak sa amin ‘yung pabulosang wedding scene na may patubig sa aisle ng simbahan.

Na-touch kami sa sweet moment nina Rachel at Nick sa nasabing kasal kahit hindi sila ang bride and groom.

As expected ay maraming nag-abang sa cameo role ni Kris as Princess Intan. In fairness ay may sariling short moment si Kris sa wedding, pero nang maglilinya na siya ay biglang nag-focus ang camera kina Eleanor. Kalerks!

Buti ay may isa pang shot si Kris na katsika-tsika niya ang bidang girl.

May sariling istorya ang gandara at glamorosang cousin ni Nick na si Astrid, played by Gemma Chan, na puwede pang lumaki sa susunod na installment. Ito ‘yung karak­ter na in-audition-an ni Heart Evangelista.

Certified hit ang ‘Crazy Rich Asians’ sa US, na naka-$35.2M five-day opening weekend gross (sa budget nitong $30M).
Ito ang first time na may romcom movie na nag-#1 sa box-office sa Hollywood since June 2014.

Ito rin ang first Hollywood studio film in 25 years to feature an entirely Asian cast. Ang huli ay ‘Joy Luck Club’ pa nu’ng 1993.

Dahil sa success ng ‘Crazy Rich Asians’ ay sigurado na ring gagawin ang dalawang sequel sa series na sinulat ni Kevin Kwan na ‘China Rich Girlfriend’ at ‘Rich People Problems’.