Abante Tonite Interactive

Singer-actor muntik bumigay nang yumao ang ina

0 613

Gumuho ang mundo ng isang singer/actor nang mamatay ang kanyang nanay sa cancer. Mahal na mahal nito ang kanyang ina.

Ito ang dahilan kung bakit siya nagpursige na makapasok sa showbiz sa kabila ng ne­gative comments ­maski na ng kanyang mga kaibigan na huwag nang ipagpatuloy ang plano nitong mag-showbiz dahil ordinaryo lang naman ang kanyang mukha.

At habang pasikat na siya, saka naman dumating ang malaking dagok sa kanyang buhay. Nagkaroon ng cancer ang kanyang ina. Nilabanan niya ito. Kesehodang maubos ang kanyang ipon, guma­ling lang ang kanyang ina.

Pero bigo si singer/actor dahil namatay rin kalaunan ang kanyang nanay. Sa mga oras na iyon, down na down si singer/actor. Gusto na rin niyang sumunod sa kanyang nanay.

Pero mabuti’t may nakapagpayo sa kanya na tanggapin na lang ang katotohanan at lahat naman tayo ay namamatay.

Naliwanagan si si­nger/actor. Muli na namang naririnig ang kanyang ginintuang boses. (Timmy Basil)