Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actor nagsumbong kay esmi na tsinansingan

0 606

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ng isang source ang inimbentong kuwento laban sa kanya ng isang kilalang singer-actor. Matagal na ‘yun pero buhay na buhay pa rin sa kanyang isip.

Nagsumbong pa ang singer-actor sa kanyang misis tungkol sa ginawa kuno sa kanya ng aming gay source. Masyado palang aning-aning ang male personality.

Sabi ng aming becking source, “Magkasama kami sa isang show, maayos kami, wala kaming kahit anong naging problema. Feeling close na nga ako sa kanya, sa totoo lang!

“Pero sinita ako ng wife niya, ang sabi sa akin, ‘Tsinansingan mo raw ang asawa ko? Anong klaseng kaibigan ka?’ Shock boogie siyempre ang becki, anong tsinansingan? Kailan at saan?” umpisang kuwento mismo ng aming source.

Mula nang sitahin siya ng nagkokontrabidang misis ng singer-actor ay dumistansiya na siya, hindi na siya masyadong lumalapit sa aktor, baka kasi sabihin na naman nitong nagsasamantala siya.

Kuwento uli ng becki, “Ibang klase ang taong ‘yun, praning! Nalagay lang ang kamay mo sa tagiliran niya, sasabihin niya na agad na tsinatsansingan mo siya!

“Juice kong pineapple naman? Kung mangtsatsansing man ako, e, hindi sa kanya! Napakaasyumero niya naman! Napakarami kong nakakasamang aktor na katsansing-tsansing sa ganda ng katawan at kaguwapuhan, pero hindi ko ‘yun ginagawa!

“Puro katsansing-tsansing ang mga nakasama kong personalities sa sitcom, pero bakit isa sa kanila, walang inilabas na kuwentong nagsamantala ako sa kanila, sa totoo lang!

“Siya pa ang magkakaroon ng lakas ng loob na magsabing inisahan ko siya? At nagsumbong pa siya sa asawa niya? Ano ito? E, hindi naman nice ang body niya, hindi rin naman siya guwapo, maganda lang ang boses niya?

“Kapag naiisip ko ‘yun hanggang ngayon, e, natatawang-naiinis ako sa singer-actor na ‘yun na super-asyumero! Ayusin niya na lang ang career niyang lulubog-lilitaw, ‘no!” pagtatapos ng aming source habang nakataas ang kilay.

Willie nag-replay nang magka-Covid ang cameraman

SM food to go Banner Ad

Maraming taping ng iba-ibang network na pansamantalang ipinatigil dahil sa matinding pagtaas ng bilang ng mga binibiktima ng COVID-19.

Hindi lang ang mga artistang kasama sa kuwento ang importante, ang production staff at crew ay napakahalaga rin, dahil kung wala sila ay walang mga eksenang makukunan.

Nu’ng minsang may magpositibo sa mga cameramen ni Willie Revillame ay nag-replay ang Wowowin-Tutok To Win. Mahirap na nga namang magkahawahan ang buong grupo.

Sa taping ng isang serye ng GMA-7 ay may ganu’n ding nangyari, agarang sinuspinde ang trabaho, linggo ang binilang bago sila uli nagbalik.

Ilang araw nang hindi umeere ang It’s Showtime, kumalat agad ang kuwentong mawawala na ang noontime show sa himpapawid, kaya puro replay ang ipinalalabas nila.

Walang katotohanan ‘yun, isang production staff mismo ng It’s Showtime ang nakausap namin, pansamantala lang silang sinuspinde dahil sa pagtaas ng numero ng mga nagkaka-virus sa kanilang bakuran.

Nagdesisyon ang management na huwag na muna silang mag-show, hindi nga naman nila hawak ang panahon, mas magiging problemado kapag nagkahawa-hawahan sila.

“Mas magiging mahigpit na ang production ngayon, saka habang wala pang live show, idi-disinfect ang buong studio. Kailangan na talaga, grabe na ang surge ng COVID,” paliwanag ng aming kausap.

Kaligtasan muna bago ekonomiya. Kung kailangan nilang magsakripisyo nang ilang linggo ay mas makabubuti ‘yun kesa sa mahagip sila ng salot.

Nakaisang taon na tayo sa ganitong sitwasyon, pero ngayon pa tayo mas binulabog ng COVID-19, ibayong pag-iingat talaga ang kailangang pairalin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.