Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actress buking ang taksil na dyowa

0 1,246

Matagal nang nakapag-move-on ang lahat ng mga personalidad na kasali sa kuwentong ito pero paminsan-minsan pa ring binabalik-balikan sa mga kuwentuhan.

Nagkahiwalay ang magkarelasyong kilalang singer-actress at ang kanyang karelasyong hindi naman artista pero parang ganu’n na rin dahil nagtatrabaho ito sa isang kilala at malaking produksiyon.

Ilang taon ding tumagal ang kanilang pagsasama, hanggang sa isang araw ay nabigla ang mga taga-showbiz, nagkani-kanyang landas na sila.

Ang ikatlong bahagi ng kanilang relasyon, isang sexy actress na denay nang denay, pero makalipas ang ilang taon ay lumabas din ang katotohanan na ito nga ang naging dahilan ng hiwalayan ng magkarelasyon.

Kuwento ng aming source, “Si ____(pangalan ng sexy actress) talaga ang dahilan. Nag-umpisa ‘yun sa nomo-nomo, pareho kasi silang umiinom ng karelasyon ng female personality, hanggang sa madalas na silang magkita.

“Lumalayo sila, marami kasing mata ang female personality dito sa Manila, sa malalayong lugar nga naman, e, mas safe sila,” kumpirmasyon ng aming impormante.

Matindi na ang pagdududa ng female personality dahil maraming naging pagbabago sa schedule ng trabaho ng kanyang boyfriend. Nag-umpisa na siyang mag-imbestiga.

Patuloy ng aming impormante, “Nagtanung-tanong na ang female personality sa production kung totoo ba ang malalayong biyahe na kailangan kunong puntahan ng lalaki.

“Waley! Hindi totoo ang mga drama ng guy, nasa opisina lang siya at never na naa-assign sa malalayong probinsiya. Teka lang, sabi ng female personality, matiktikan nga kung sino ang pinagkakaabalahan ng kanyang boyfriend!

“Heto na. Ginawa ‘yun ng female personality at dyaraaaannnn! Kitang-kita niya ang boyfriend niya at ang sexy actress na magkayakap pang nagtotomaan sa isang sosyaling bar.

“Tinawagan pa niya ang girl, kinumusta, okey lang daw siya! Walang sinabi ang female personality sa sexy actress, pero gumawa na siya ng hakbang.

SM food to go Banner Ad

“Hiniwalayan na niya ang lalaki, pero siyempre, nagpakita siya ng mga ebidensiya, walang nagawa ang guy kundi ang umalis na lang sa tinitirhan nila ng female personality.

“Magpapaliwanag pa sana ang guy, pero malakas ang sigaw ng female personality, ‘Syaraaaapppp!!!!’ Hanggang du’n na lang ang kanyang pasensiya, denay pa rin nang deny ang sexy actress, kahit pa buking na buking na nga siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Dennis aprub sa pag-amin ni Gerald kay Julia

Matinding sakripisyo at paghihirap ang pinagdaanan ng magaling na komedyanteng si Dennis Padilla sa COVID-19. Agresibo ang virus na umatake sa kanya, akala niya ay ‘yun na ang kanyang katapusan, sobra-sobra ang pasasalamat niya ngayon sa ikalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Nu’ng magpositibo siya at kinailangan nang isugod sa ospital ay isa lang ang naging tanong ni Dennis sa kanyang sarili, “Lord, kukunin n’yo na po ba talaga ako?”

Ayon sa komedyante ay biglang bumiyahe sa nakaraan ang kanyang isip, naalala niya ang kanyang mga anak, lalo na ang maliliit pa na nangangailangan ng kanyang suporta at pagmamahal.

Puro dasal ang kanyang ginawa, ‘yun ang pinagkunan niya ng lakas sa paglaban, kapag ganu’n daw kasing parang nasa gilid ka na ng bangin at sa isang pitik lang ay mahuhulog na ay wala ka nang ibang gagawin kundi ang tumawag sa Diyos at magsisi.

“Nag-iisa lang ako, walang puwedeng magbantay sa akin, pero napakalaking tulong sa akin ang mga messages ng mga anak ko. ‘Yung sabihan ka lang nilang hindi ako nag-iisa, matinding lakas na ang ibinibigay nu’n sa akin,” naluluhang pag-alala ng magaling na payaso.

Kapag nagkita raw sila ni Gerald Anderson ay isa lang ang kanyang sasabihin sa aktor, “Maraming salamat dahil lumantad ka na. Salamat dahil dahil mahal mo ang anak ko (Julia). Salamat at ipinagtatanggol mo siya.

“Alam mo naman, tatay ako, kung saan maligaya ang anak ko, du’n na rin ako,” madiin pang pahayag ni Dennis Padilla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.