Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actress dawit sa gulo ng hunk actor

0 260

Malakas ang ikot ng mga kuwento na ang kilalang female personality ang karelasyon ngayon ng isang hunk actor. Sila na raw ngayon.

Ang babaeng personalidad kuno ang dahilan ng paghihiwalay ng hunk actor at ng kanyang pinakahuling girlfriend. Siya raw ang third party.

Pero maraming hindi bumibili sa istorya, magkaibigan lang daw ang female personality at ang machong aktor, hanggang du’n lang daw ang lahat at wala nang iba pa.

Kuwento ng aming source, “Marami kasi silang common friends. May mga artista at singers, may mga pribadong tao silang nakakasama, totoong magkaibigan nga lang sila.

“Tinatawanan lang ng girl ang pagdadamay sa name niya, hindi niya ‘yun sineseryoso, bakit nga naman siya mawo-worry, e, wala naman talaga silang relasyon nu’ng hunk actor?

“Hindi siya ang third wheel, wala siyang kinalaman sa hiwalayan,” unang kuwento ng aming impormante.

Ang kinumpirma ng source ay ang hiwalayan, pero inilabas nito ang singer-actress sa break-up, meron daw kasing “magagalit.”

Patuloy ng aming source, “Naku, ha? Huwag nilang idamay ang girl, maligaya siya sa buhay niya, hindi niya kailangang maging third party ng isang relasyon!

“Hindi niya kailangan ng lalaking magpapasaya sa kanya dahil maligaya siya ngayon. May karelasyon siya, kaya bakit pa siya makikipagsiksikan sa relasyon ng may relasyon?” madiing sabi ng aming impormante.

Palagi pa ring sinosoplak sa social media ang male personality, mabibilang sa daliri ang mga naniniwala at kumakampi sa kanya, sobrang makasarili raw ang aktor na mahilig makipagrelasyon pero puro pangako lang naman ang ibinibigay sa mga kababaihan.

“Enjoy na enjoy siya sa ganyan, kita n’yo naman, ipinaglihi siya sa patola sa kapapatol sa mga bashers niya! Type na type niya ang ganyan!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Sharon walang inggit kina Gabby, KC

Pinagpistahan ang kuwento tungkol sa pagkikita ng mag-amang Gabby at KC Concepcion. Larawan nga naman sila ng mag-amang parang taon ang hindi pagkikita kaya sobra nilang na-miss ang isa’t isa.

May pa-“I love you!” pa si KC sa kanyang ama. At sa kuwento naman ni Gabby ay ayaw raw siyang pauwiin ng kanyang anak pagkatapos nilang mag-bonding.

Ang ganda-ganda ng kuwento, pero natural lang na may pumuna sa kanila, lalo na kay KC na parang pinasasakitan daw ang Megastar.

Ano naman ang dahilan para pasakitan ni KC ang kanyang ina? Kahit bali-baligtaran pa ang mundo, magputukan man ang lahat ng mga bulkan ay alam ni KC kung sino ang nagpala sa kanya, walang dapat ika-insecure si Sharon Cuneta sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Gabby at KC.

Maganda nga ‘yan, puwede nang bumawi si Gabby sa napakalaki nitong pagkukulang sa kanyang anak, lumaki at nagkaisip si KC na wala naman sa mapa ng mundo ang kanyang ama at si Sharon lang talaga ang tumayong ama at ina niya.

Walang naging pagkukulang ang Megastar sa kanyang panganay, trabahong-kalabaw ang ginawa ng aktres para kay KC, kaya ano ang punto para makaramdam ng insekuridad si Sharon sa matamis na pagkikita ng kanyang mag-ama?

Ang taong nakakaalam ng katotohanan, kailanman ay hindi papasukin ng inggit ang puso, tatawanan lang nito ang mga nagaganap.

At alam na alam ni KC ‘yun!

Leave A Reply

Your email address will not be published.