Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer -actress dekada nagpaka-robot

0 222

Maraming naniniwala na malayang-malaya na nga sa pagdedesisyon ngayon ang isang sikat na singer-actress. Ang mga gusto niyang gawin nu’ng dalaga pa siya ay ngayon lang nagaganap dahil nakawala na siya sa hawla ng kahigpitan ng kanyang mga magulang.

Kuwento ng aming source, “Totoong may freedom na siya ngayon. Nagagawa na niya ang gusto niya, Malaya na siyang gawin ang mga bagay-bagay na mahabang-mahabang panahong ipinagdamot sa kanya!

“At ang pinakamahalaga, e, meron na siyang pahinga ngayon, hindi tulad nu’n na para siyang robot na sunud-sunuran na lang!” unang hirit na kuwento ng aming impormante.

Pag-alala pa ng mga naging saksi sa naging takbo ng karera ng singer-actress nu’ng dalaga pa siya ay para siyang makinang walang kapahi-pahinga. Kahit meron siyang dinaramdam ay kailangan niya pa ring magtrabaho.

Sabi uli ng aming source, “May mga pagkakataong makikita na lang siyang umiiyak. Pagod na pagod na kasi siya. Mabait lang talaga siya dahil wala siyang reklamo sa pagtatrabaho.

“Gusto niyang magpahinga, pero hindi naman puwede, makakasuhan ang management niya. So, kahit pa sobrang pagod na siya, e, puro work pa rin ang ginagawa niya!

“Umiiyak na lang siya sa sobrang kapaguran, awang-awa siya sa sarili niya, hanggang kailan nga ba naman siya magtatrabahong parang kalabaw?” tanong-opinyon ng aming source.

Bagong-anyo ngayon ang sikat na singer-actress, gandang-ganda ang marami sa desisyon niyang magpaputol ng buhok, ilang dekada na siyang nakikitang hindi nakasusunod sa kung ano ang uso.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Hindi lang naman siya ang artistang hindi nasusunod ang gusto, marami sila, gustuhin man nilang magpagupit, e, hindi nila basta-basta magawa dahil ang katwiran ng magulang nila, sayang ang shampoo commercial!

“Mismo! Totoo ‘yun! Pa-trim-trim lang ang hair nila, hindi puwedeng paigsian, dahil sa malaking talent fee nila sa pag-eendorso ng shampoo!

“Pero ngayong may sariling buhay na ang singer-actress, nagagawa na niya ang gusto niya, nakakapagpahinga na siya, sa totoo lang! Hindi na siya robot na sunod lang nang sunod sa ipinagagawa sa kanya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Alden ‘di nagdamot sa selfie

Sa Lunes, alas otso nang gabi sa GMA-7, ay marami nang naghihintay sa bagong seryeng pinagbibidahan ni Alden Richards.

Ang totoo ay hindi naman malaking isyu kung sino ang katambal niya, ang mahalaga ay ang Pambansang Bae ang bumibida, siya ang kinasasabikang tutukan ng publiko.

Sa panahon ngayon ng pandemya na ala suwerte ang trabaho para sa mga artista ay heto naman si Alden, parang walang pandemya sa kanyang buhay at karera, umaagos ang suwerte sa kanya.

Mapagpahalaga kasi ang singer-actor sa kanyang trabaho, kaya naman minamahal din siya pabalik, at ang propesyonalismo ay bitbit niya sa kahit anong linya ng kanyang trabaho-kompromiso.

Babantayan namin ang “The World Between Us” nila ni Jasmine Curtis-Smith. Sa teaser pa lang ng serye ay nandu’n na ang pang-iimbita na kakaibang palabas ito, hindi na ang kaguwapuhan lang ni Alden Richards ang ipakikita kundi ang patuloy niyang magaling na pagganap.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Salamat dahil work from home ako ngayon. Walang makalalampas na episode sa akin ng bagong serye ni Alden. Nagtsa-chat na ang grupo namin, susuportahan namin si Alden sa kung tutuusin, e, napakababaw na dahilan.

“Nakasabay namin siya sa flight papunta sa Hong Kong. Alam naming pagod na pagod siya, kita naman ‘yun sa itsura niya, pero nu’ng lumapit kami sa kanya for a selfie, hindi siya nagdamot!

“Inakbayan pa niya kami, napakabait niya, ganu’n ang klase ng personality na dapat sinusuportahan!” buong kuwento ng aming kaibigan.

Simple pero totoong-totoo. Ang kawalan ng kaangasan at pagiging mapuso sa kanyang mga tagahanga ay kumakalat na parang apoy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.