Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actress inayawan ang female personality

0 137

Maraming naipundar na ari-arian ang isang kilalang singer-actress-TV host. Hindi niya naman kailangan ng pera, napaghandaan niya na ang kanyang kinabukasan, pero nagbebenta siya ng propyedad na hindi niya naman pinakikinabangan.

Kinausap niya ang isang kaibigang broker, ipinabebenta niya ang isang property na napakagandang gawing bahay-bakasyunan, hindi nagtagal sa merkado ‘yun at maraming nagkagusto.

Kuwento ng aming source, “Dahil maganda ang location ng property at maganda ang bahay, maraming tumawag agad sa broker para makita ang property ng singer-actress-TV host.

“Sabi niya, ‘Ikaw nang bahala, kung gustong makita ang property, ikaw na lang ang sumama.’ Milyones siyempre ang halaga nu’n, materiales fuertes naman kasi ang ginamit sa house,” unang kuwento ng aming source.

Isang umaga ay tinawagan ng broker ang may-ari ng property, meron daw isang kilalang personalidad na nagkagusto sa rest house, agad-agad daw na gusto nitong mapasyalan at makita.

Kuwento uli ng aming impormante, “Tinawagan niya ang singer-actress-TV host, ang sabi niya, ‘Madam, may gustong makakita sa property n’yo, gandang-ganda siya sa location ng property. Sure buyer siya, sasamahan ko na siya.’
“Bago pa nakapag-schedule ng visit ang broker para samahan ang sure buyer, e, naintriga ang property owner. ‘Sino ba ang buyer na sinasabi mo?’

“Sinabi ng broker kung sino ang buyer, kilalang-kilalang female personality ‘yun na madatung naman talaga! Sure buyer nga siya! Pero sabi ng may-ari ng property sa broker niya, ‘Naku, huwag na lang! Mahirap na!’

“Natakot ang property owner sa napakadaldal na buyer, baka raw kasi kapag may nakitang hindi gusto ang female personality sa kanyang bahay, e, biglang mag-post ng kung anu-ano!

“Maapektuhan nga naman ang bentahan ng property sa kadaldalan ng female personality! Hindi na natuloy ang pagpunta nila ng broker, sinabi na lang ni broker na ayaw na palang ibenta ni ma’m ang rest house niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bong pinatawad na si Janine

Totoong-totoo ang pahayag ni Senador Bong Revilla na dapat ay marunong magbigay-galang ang mga artista sa kanilang mga kapwa personalidad.

Lalo na ang mga kabataang artista, hindi nila dapat kinalilimutan ang pagbibigay-pugay sa mga beteranong personalidad, napakadali namang gawin nu’n.

Nu’ng minsan ay may nakakuwentuhan kaming veteran actress, sabi nito, “I don’t like her (isang young actress na sikat ang kanyang tinutukoy). Maldita ang bata! Parang forever na ang kasikatan niya!”

May mga kabataang artista talaga na kapos sa respeto. Sa edad na edad na lang ng mga beteranong personalidad ay alam na dapat nila ang ibig sabihin ng pagbibigay-galang.

Hindi si Janine Gutierrez ang tinutukoy ni Senador Bong Revilla, paalala lamang sa kanyang mga kapwa artista ang kanyang sinabi, mapagpatawad ang puso ng aktor-pulitiko kaya limot na niya ang makasaysayang litanya ni Janine na “Oh, God!” nu’ng pabalik na siya sa GMA-7.

Patama man kay Janine o hindi ang sinabi ni Senador Bong ay napakahalaga ng kanyang sinabi para sa mga artista sa pangkalahatan.

Marami talagang nakalilimot sa kagandahang-asal, maraming nag-iilusyon na ang popularidad na hawak nila ngayon ay panghabambuhay na at walang pagkupas, isang leksiyon ang sinabi ni Senador Bong na kailangang bitbit ng mga personalidad kahit saan.

Lalo na kung wala pa namang napatutunayang markadong kredensiyal ang artista, lalo na kung hindi pa naman katayugan ang naaabot nila, kahit katiting na pagmamalaki at pagmamayabang ay wala pa silang karapatan.

Sa totoong-totoo lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.