Abante Tonite Interactive

Singer-actress inisnab ang asalto ng mga fan

By
5,232

Pumutok man daw ang mga bulkan at tahipin ng bagyo ang ating bayan ay hinding-hindi na makakalimutan pa ng mga loyalista ng isang pamosong singer-actress ang naging karanasan nila nang magdiwang ng kaarawan ang kanilang idolo.

Ilang araw silang nag-meeting bilang preparasyon sa gagawin nilang asalto. May kani-kanya silang toka, may magpapagawa ng mga lobo, may kokontak sa cate­ring, may kinausap pa nga silang pari para sa gagana­ping misa.

Kuwento ng aming source, “Para makakilos nang maayos ang mga faney, e, may kinuntsaba silang vete­ran actress na kaibigan ng idolo nila. Ang taong ‘yun ang manglilibang sa singer-actress, siya ang magyaya­yang kumain sa labas, para makapag-ayos naman ang mga fans sa kanilang asalto.

“Sumama naman ang singer-actress sa kaibigan niya, matagal silang nagkuwentuhan habang kumakain, pero mainipin pala talaga si ____(pangalan ng pamosong singer-actress)!
“Bukod sa sawa na siguro siyang magpa-picture sa kahit saan siya magpunta, e, mas gusto niyang nasa bahay lang siya, kumportable siya nang nasa kuwarto lang niya.

“So, ang mga faney, bitin sa pag-aayos, hindi nila naikabit ang mga dapat, e, pang-surprise nila sa birthday celebrant. Pero okey na rin, nasa bedroom lang naman niya ang super-idol nila, kaya sige pa rin sa paghahanda ang mga fans niya,” kuwento ng aming source.

Dumating ang gabi. Truck-truck nang nagdaratingan ang mga fans niya mula sa malalayong probinsiya, naghanda rin ang mga bumiyahe, may mga dala-dala silang pagkain na pangdagdag sa catering.

Kuwento ng aming impormante, “Naloka ang lahat nu’ng bumaba ang isang PA ng idol nila, ang sabi sa kanila, ‘Magsiuwi na raw kayo, hindi raw siya bababa para sa gagawin n’yong asalto!’

“At talagang hindi nga siya bumaba, hindi man lang niya binigyan ng time ang mga fans niyang ilang linggong naging abala para siya asaltuhin!

“Umuwing luhaan ang mga fans ng singer-actress, pinaghati-hatian na lang nila ang mga pagkaing pinagkagastusan nila, kani-kanyang uwi rin sila ng mga lobo dahil talagang hindi sila hinarap ng idolong aasaltuhin nila!” napapahalakhak na napapai­ling na kuwento pa ng aming source.

Coco bilyonaryo na

Ayon sa aming kausap ay sa September pa matatapos ang ser­yeng ‘Ang Probinsiyano’. May isang bagong aklat pang bubuksan, may mga bagong mukha pang kinuha ang Dreamscape para sa serye, panalung-panalo sa balitang ito ang mga kababayan nating hindi kumpleto ang maghapon kapag hindi napapanood ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin.

Sobrang taas naman kasi ng rating ng palabas, nilala­mon nito nang buung-buo ang kanyang mga kasabayan, ang serye pa rin ang mayhawak ng hindi magiba-gibang rating sa telebisyon.
At kuwento pa ng aming source, “Alam mo bang nakahilera ang mga gagawing TVC ni Coco? Lahat na yata ng produkto, e, meron na siyang endorsement, siya kasi ang lumalabas na pinaka-effective endorser sa mga ginagawang survey ng mga ahensiya.

“Naka-file ang mga alok sa kanya. ‘Yung iba, e, naihahanap niya ng schedule for shoot, pero ang iba, kaila­ngan pang maghintay dahil sobrang busy si Coco sa ‘Ang Probinsiyano’.

“Siya kasi ang creative head, hindi lang siya basta bida sa istorya, kaya mala­king panahon niya ang kinakain nu’n. Talent fee? Ayokong sabihin, secret kasi ‘yun, siya na lang ang tanu­ngin n’yo kung sasabihin niya!

“Basta, ang masasabi ko lang, e, hindi na siya magugutom kahit mabuhay pa siya nang another one hundred years nang hindi na siya nagtatrabaho,” mabilis na paha­yag ng aming source.

Bilyonaryo na nga si Coco Martin!