Abante Tonite Interactive

Singer-actress ipinaglaban sa magulang ang dyowa

374

MARAMI palang kuwentong kakambal ang istorya ng pakikipagrelasyon ng isang pamosong singer-actress. Siya ang maituturing na tunay na nagmamahal dahil ginawa niya ang lahat para lang maipaglaban ang relasyon nila ng isang kilala ring male personality.

Sabayan nilang ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan, hindi sila tumigil hanggang sa tuluyan nang tinanggap ng pamilya ng babae ang kanyang boyfriend, pinagtagumpayan nila ang matinding hamon.

Kuwento ng aming source, “Kapag talagang wagas ang pagmamahalan, e, walang kahit sinong makahaharang. Alam n’yo bang hindi binabati ng parents niya ang girl nang ilang buwan?

“Panay-panay ang pag-iyak ng girl, hindi kasi maintindihan ng pamilya niya ang pakikipagrelasyon niya. Hindi nila aaminin, pero maraming nakakaalam na malapit nang makipagtanan ang girl sa boyfriend niya!

“Sobra nga kasi siyang pinaghihigpitan, para siyang menor de edad na binabantayan ng parents niya, matindi ang pinagdaanan ng relasyon ng dalawang ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

May kuwento rin na isang araw ay bumigay na ang female singer, talagang hindi na niya kinaya ang lahat, sa pakiramdam niya ay ang boyfriend lang niya ang kanyang kakampi sa mundo.

Patuloy ng aming source, “Dumating na ‘yun sa point na nag-hysterical na ang girl. Nawalan siya ng boses dahil sa pagsigaw at pag-iyak! E, ‘yun pa naman ang tanging puhunan niya, ang kanyang boses, di ba?

“Tama nga ba naman kasi na kapag dumadalaw sa house nila ang boyfriend niya, e, nakabantay sa kanilang pag-uusap ang mommy niya? Mismo! Kulang na lang na maglatag ng banig sa sala ang mudra niya!

“Ang daddy niya naman, e, padaan-daan, tingin nang tingin sa relo, kulang na lang na sabihin niyang kailangan nang umalis ang guy kahit pa kararating nga lang!

“Mahal na mahal ng male personality ang kanyang girlfriend, hindi siya tumigil sa panunuyo sa parents ng girl, hanggang sa matanggap na ang relasyon nila.

“Napakatamis na pagmamahalan. Pareho nilang ipinaglaban ang relasyon nila, kaya sa mga darating na panahon, e, talagang pahahalagahan nila ang malapit na nilang pagpapakasal,” positibong pagtatapos ng aming impormante.

Mabuhay ang mga ikakasal!

Huwag si Bong Revilla: Jim atupagin ang sariling kahihiyan

DAHIL na rin siguro sa kanyang pagkakaedad ay napakadali nang makalimot ni Jim Paredes. Masyado na siyang malilimutin. Pati ang inabot niyang matinding kahihiyan sa publiko dahil sa kanyang pinagpistahang sex video ay nawala na rin sa kanyang kamalayan.

Pansamantala lang siyang nanahimik para palipasin ang nakadidiring istorya tungkol sa kanya, pero sa kanyang pagbabalik, si Senador Bong Revilla ang napili niyang pakialaman.

Nagmamarunong na naman ang matandang singer na kailan lang ay nilalaro-laro ang kanyang hindi naman maipagmamalaking ari, pinagtripan niya ang aktor-pulitiko tungkol sa nalalapit na pagbabalik-telebisyon nito, kung anu-anong komento ang itinatalak ngayon ni Manong Jim.

Pera-pera lang daw ‘yun, kinukunsensiya pa niya ang GMA-7, hindi raw magandang gawing ehemplo para sa mga kabataan ang aktor-senador.

Sandali lang naman. Ang pangalan ni Senador Bong Revilla ay nilinis na ng lahat ng hukuman sa Pilipinas. Pinawalang-sala na siya ng Sandiganbayan sa mga bintang ng mga kalabang pulitiko kontra sa kanya.

Malayang-malaya na sa anumang pananagutan sa batas si Senador Bong, hindi ito nakalaya nang dahil lang sa piyansa, buung-buong nilinis ng hukuman ang kanyang pangalan.

E, itong si Jim Paredes? Makakalimutan ba ng sambayanan ang kanyang sex video na ikinasuka ng marami? Napakadali niya namang makalimot, dapat ay ang kanyang kahihiyan na hindi magandang ehemplo sa mga kabataan ang atupagin niya, hindi ang buhay ng isang taong nakabangon na at muling itinatayo ang kanyang pangalan na pinagplanuhang wasakin ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Mahiya naman sana si Jim Paredes sa face niya! Siya ba ay puwedeng maging huwaran para sa mga kabataan? Isang matandang hukluban na pero nagpakita pa sa kanyang sarili na nilalaro-laro ang kanyang maliit na sandata na may padila-dila pa?

Kailangang manalamin si Manong Jim Paredes para ang mismong kunsensiya niya ang magpaalala sa kanya na wala siyang karapatang humusga sa kanyang kapwa dahil siya ang kahusga-husga!