Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer-actress labag sa kalooban ang ober da bakod

0 203

NI:ROMMEL PLACENTE

LUMIPAT na sa ibang management at istasyon ang isang singer-actress.

Pero hanggat maari pala ay ayaw niyang iwanan ang network na nagbigay sa kanya ng second chance nang mameligro ang kanyang career.

Ayon sa aming reliable source, ang nanay umano ng singer-actress ang nag-decide na mag-ober da bakod siya. Wala na lang daw itong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng ina, kahit nga labag naman ito sa kanyang kalooban. Bilang nanay niya ito, nirespeto niya na lang daw ang naging desisyon nito para sa kanya, at para hindi na rin sila magtalopa.

Sino si singer-actress? Mestiza at flawless siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.