Abante Tonite Interactive

Singer-actress maldita, tsismosa

866

DATI nang napabalita na may kamaldita­han ang isang singer­-actress na napapanood sa mga serye ng isang network na katambal ng isang male personality na mahusay gumanap na becki.

Ayon sa mga impormante ay may kakaibang kamalditahan ang singer-actress, ginagawa lang daw niyang pakomedya ang kanyang pagtataray, pero bukal sa kalooban niya ‘yon.

Sabi ng isang source, “Totoong may attitude problem ang girl, marami nang hindi nagkakagusto sa ugali niya, disimulado lang ang kaangasan niya dahil idinadaan niya sa comedy ang pagtataray niya!

“Feelingera na si girl! Naniniwala na siyang sikat na sikat na nga siya! May mood swings siya, mahirap ding ispilengin ang ugali niya!” unang komento ng impormante.

Bukod sa pagiging maldita ay makuwento rin kuno ang female personality. Marami siyang kuwentong nagiging dahilan ng pagkakasamaan ng loob ng kanyang mga kasamahan.

“Mismo! May pagkatsimosa rin si girl! Nakakatakot ang bibig niya! Marami siyang sinasabi na nagiging ugat ng away ng ibang mga kasamahan niyang artista!

“Hindi na lang kasi niya pakialaman ang sarili niya! Mag-gym na lang siya para mabawasan ang bigat ng katawan niya! Masyuba siya, mag-exercise na lang siya!” napapailing pang kuwento ng aming source.

Ganown!

Sanya walang Kumakbay kay Alden

ASAHAN nang isang araw ay pupupugin ng mga basher si Sanya Lopez.

Siguradong pagtutuunan din siya ng pansin para birahin ng mga tagsuporta ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na hanggang ngayo’y umaasang may forever para sa loveteam.

Lumabas kasi ang retratong nakaakbay sa kanya si Alden sa rehearsal ng kanilang Sunday show. Nakahilig naman ang dalaga sa balikat ng Pambansang Bae.

Ayaw na ayaw ‘yon ng mga AlDub fanatic! Para sa kanila ay walang karapatang umakbay sa kahit sinong babae ang kanilang idolo, kay Maine lang puwedeng magpakita ng paglalambing si Alden, hindi sa kahit sinong babae d’yan!

Nakakaawa naman si Sanya Lopez na bukod sa napakasimple nang babae ay maayos pang makisama sa kanyang mga katrabaho. Walang kahit sinong nakatrabaho ng dalaga ang nagsabing hindi maganda ang kanyang ugali.

Puring-puri siya ng lahat, kung ano raw ang kagandahan ni Sanya ay ganon din ang kanyang ugali, kaya maraming nagkokomentong bagay sila ni Alden dahil pareho silang mabait.

Ayaw paniwalaan ng iba, pero totoong wala pang nagiging karelasyon si Sanya, no boyfriend siya since birth.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Malay natin, baka sila ni Alden ang nakatadhana. Huwag na sanang pakialaman pa ng mga blind follower d’yan ang lovelife ng idolo nila!”

Robin nabukulan kay Coco

LUMALALIM nang masyado ang itinatanim na sama ng loob ni Robin Padilla sa kanyang mga kasamahang personalidad. Sana’y sumentro na lang siya sa ipinaglalabang franchise renewal ng ABS-CBN, huwag niya nang idamay pa ang mga artista ng network, dahil siya ang sobrang mapupuruhan sa bandang huli ng labanang ito.

Tuloy ay lumalabas na wala na siyang utang na loob sa pinagserbisyuhan niyang istasyon ay binibira pa niya nang personal ang kanyang mga kapwa artista na ayon sa mas nakararami ay senyal ng insekuridad.

Pinuruhan niya si Coco Martin, hindi naman kumikibo ‘yong tao, pero kung ano-anong rebelasyon ng pamimintas ang kanyang inilantad.

Natural, panahon ngayon ni Ricardo Dalisay, maraming magtatanggol sa action star, maraming mamba-bash sa kanya, dahil parang inggit lang ang dahilan ng pambibira niya kay Coco.

Sabi ng isang kakuwentuhan namin, “Nagkamali ng binangga si Robin, panahon ngayon ni Coco bilang si Cardo Dalisay! Apat na taon na siyang gustong patayin, pero buhay na buhay pa rin siya hanggang ngayon!
“Sino ang mabubukulan sa kanilang dalawa? Hindi na panahon ngayon ni Robin, tumamlay na ang kislap ng bituin niya, samantalang ma­ningning na maningning pa ang kasikatan ni Coco!

“ABS-CBN na lang ang sentruhan niya, huwag na niyang pakialaman ang mga artista ng station, ang dami-dami na niyang sinasaktan!” sabi ng aming source.