Abante Tonite Interactive

Singer-actress, wagas kung mangulit sa TF

By
5

SEXY SINGER/actress, pabalik-balik sa showbiz ‘tsurang gawin niyang gabi ang umaga magka-project lang siya.

Kaya lang, asar ang mga talent coordinator sa kanya.

Hindi pa man gumigiling ang camera, ask siya agad kung kaliwaan ba ang talent fee at kelan makukuha?

Ayaw niya ring nababakante siya kaya ­lagi ­niyang ginugulat ang kanyang manager.

Kakatok na lang ­siya sa pintuan ng office at biglang titili ng, “I’M BACK! NEED KO NG RAKET!”

Ganyan siya kapag kailangan na naman niya ng datung.

May junakis na siya at waaah na sa Philippine area of responsibility ang kanyang dating asawa.

Magaling si ate sa pagkanta. In fact, sa mga nakasabayan niyang maalindog, siya lang ang marunong kumanta.

‘Yung iba, lip sync na nga, hindi pa masabayan.

Bongga siyang mag-sing. Ask n’yo ‘yung mga naging boyfie niya.

Sa danz department, maning-mani lang sa kanya ‘yun.

Umakting din sya sa tv at pelikula. Nakitaan pa rin ng galing sa drama, comedy, action at hubaran.

Nawala siya sa showbizlandia dahil itinago niya ang kanyang pagbubuntis.

Nang mailuwal ang kanyang ­baby, nagpa-sexy siya agad ­para I SHALL RETURN ang peg.

Kailangan niyang gawin ‘yun pra mabuhay silang mag-ina. Waaahh give ng sustento ang lala­king kumarat sa kanya nang bonggang-bongga.

Nagkateleserye agad si ate kaya ­haping-happy siya sa biyayang bigay ni Lord.

Raket siya kahit saan lalo na kapag walang ­taping. Knows pa rin ­siya lalo na ng mga DOM.

Sa isang raket, anniversary ang ­pupuntahan niya. Maaga pa lang, ­bihis na si ate. Excited siya masyado.

9:00 PM ang call time niya pero 6:00 PM pa lang, nasa venue na siya.

Katwiran niya, ­mabuti nang maaga ­keysa ma-late dahil matrapik sa EDSA.

Sinalubong siya sa gate ng coordinator na binulungan agad ni ate kung hawak na ba nito ‘yung TF niya.

Mamaya pa raw ‘yun ibibigay at huwag mag alala dahil matagal na ­niyang ka-deal ‘yung ­organizer/producer.

Bago tawagin ang name ni ate, inutusan ­niya ang alalay na tanungin kung nandiyan na ‘yung datung niya.

Sing-and-dance na siya na may pasigaw-sigaw pa pero konti lang ang pumapalakpak.

Apat ang usapang ­kakantahin niya. Pangatlong kanta pa lang, tumigil na siya at sinipat-sipat ang coordinator.

Tinawag niya ang coordinator sa gilid ng mini stage at binulu­ngan kung hawak na ­nito ang pera niya.

Sumigaw si coordinator na kausap na niya ang manager ni ate at ­ibibigay kay sexy singer ang TF after ng performance.

Ugali pala ni ate na kukunin agad ang datung at hindi tatapusin ang performance.

Itinatakbo nito ang porsyento ng manager.

Walang nagawa si ate at tinapos ang programa bago siya binayaran.

Kinaltas na rin ang 20% ni manager.

Pinabaunan din siya ng talak, “Hindi ka na makakaulit!”