Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singer ‘binaril’ ng network

0 166

NI: ARCHIE LIAO

May kasabihan na kapag daw tagilid o puwedeng lumubog ang bangkang sinasakyan mo, gagawa at gagawa ka ng paraan para mailigtas ang iyong sarili.

Kumbaga, doon na tayo kung saan the grass is greener at magbibigay sa atin ng oportunidad.

Ito marahil ang napagtanto ng isang singer kaya nagparamdam daw ito sa isang network by pitching a concept for a show.

Kung tutuusin, wala na namang dapat pang patunayan ang singer na ito dahil hindi na rin mabilang ang kanyang achievements.

Actually, hindi na bago si singer sa network na kanyang inawitan dahil nakagawa na rin siya ng shows sa nabanggit na istasyon.

SM food to go Banner Ad

Magaling naman talaga ang mang-aawit na ito .Isa sa mga bentahe nito ay ang pagiging maboka.

Ayon sa tsika ng isang bubuwit, pinag-submit daw ito ng proposal for a show sa mga ehekutibo ng kanyang target na network.

Optimistic din daw ang kampo nito na tatanggapin ng kanyang proposal.

Kaso, sa drawing board pa lang, ‘binaril’ na ito.

Nalula raw kasi ang executives ng network sa kanyang hinihinging talent fee.

Ang ending, hindi man lang naka-first base ang kanyang balak na gumawa ng show sa nabanggit na istasyon.

Sino ang singer na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.