Abante Tonite Interactive

Singer ginawang bakla ang mga male dancer

273

Umaapaw ang kadatungan noon ng isang sikat na female singer. Bukod sa halos araw-araw ay may raket siya, mayroon pa siyang daily allowance mula sa kanyang dyowang afam.

Nagkamal talaga siya ng salapi sa mga panahong iyon. Masuwerte rin ang kanyang back-up dancers dahil kasama sila sa lahat ng raket ng female singer.

After nila mag-show, kahit antok na antok at pagod na sa lagare, hindi sila puwedeng umuwi. Kaila­ngan pa nilang samahan ito sa mga pinupuntahan nito after the show, sa mga restaurant at sa gay bar.

Yes, mahilig mag-gay bar ang female singer na ito. Nagkaroon pa nga siya ng boyfriend na macho dancer na pinatira pa niya sa kanyang marangyang bahay for a while.

Ang kanyang dancers­ naman na puro straight na lala­ki, nag-enjoy na rin sa kanonood nila ng mga lalaking hubad sa entablado, siyempre pakisama sa taong nagpapasuweldo sa kanila.

Pero biglang nawala ang foreigner sa buhay ni female singer.

Noong una ay hindi niya ito ininda dahil nga halos araw-araw ay may raket siya.

Pero habang tuma­tagal ay unti-unting dumadalang ang kanyang mga shows hanggang sa tinanggal na niya ang kanyang back-up dancers.

Sa kasalukuyan ay nasa showbiz pa rin si female singer, may mga raket pa rin pero madalang na lang.
Pero in fairness sa kanya, tila hindi tumatanda, makinis pa rin at halimaw pa rin kung mag-perform.