Abante Tonite Interactive

SINGER, NAG-INARTE SA MORNING SHOW

196

USAP-USAPAN sa bakuran ng isang top TV network ang ginawa ng isang singer (singer #1) nang makasabay nitong mag-guest sa morning show ang isang mas bata-batang singer (singer #2) na nagkaroon ng international TV stint kamakailan.

Hindi pumayag ang management group ni singer #1 na mauna si singer#2 na maisalang.

Pinagbigyan nila ang kagustuhang ‘yon ng management group ni singer #1.

Ang nakakaloka, hindi magiliw si singer #1 sa hosts ng nasabing ­morning show.

Ni hindi pumayag ang mga kasama ni singer #1 na makapagpa-picture ang mga tao sa loob ng studio kasama si singer #1.

Ibang-iba ang attitude ni singer #2 at kahit pinag-uusapan siya ngayon dahil sa international TV stint niya (kung saan lumabas siya sa show ng isang TV host na naging sikat na sikat sa mga Pinoy dahil sa pagkakamali na ibang lahi ang in-announce na winner sa isang beauty contest), sobrang bait at humble.

After ng napakagaling na performance ni singer #2 sa nasabing morning show, halos lahat ng mga tao sa loob ng studio ay lumapit sa kanya para magpa-picture.

Ang hosts eh special treatment ang ibinigay kay singer #2 dahil sa bait niya at dahil na rin sa pagkainis nila sa ginawa ng management group ni singer #1.

Ngayon, sobrang puri nila si singer #2, pero si singer #1? Naku, baka ni hindi na siya i-guest sa nasabing ­morning show, huh!

Tonite – Wendys Inhouse Ad