Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singil ng Meralco-MVP sa `bill shock’ inawat

0 105

Nanawagan ang Power for People Coalition (P4P) sa Manila Electric Company na ipagpaliban ang paniningil sa consumers ng mga bayarin para sa mga billing na sakop ng panahong naka-enhanced community quarantine ang maraming lugar at marami ang nakaranas ng ‘bill shock.’

Ito ay hanggat hindi nito maseseguro ng Meralco na tama ang sinisingil nito at hanggat hindi pa nito nababalik ang lahat ng refund ng mga konsyumer.

Anila, kailangang isaayos ng Meralco ang pagkikwenta ng sinisingil nito sa consumers at ipasailalim sa independent audit ang nangyari. Nananawagan din ang P4P na magbigay ang Meralco ng flexible payment scheme para sa panahong nagka-bill shock.

Inilunsad ng P4P ang online petisyon nitong #TigilBayad kahapon para panagutin ang Meralco sa sobra sobra nitong siningil nung panahon ng ECQ na nagdulot ng stress sa marami.

Mahalaga sa P4P na ipagpaliban ang bayaran ng sinisingil ng Meralco nang panahon ng bill shock hanggat hindi pa ito na-aaudit at naitatama dahil pinapasan ng Meralco sa residential consumers ang mga gastusin nito na nag-uugat naman sa mga pabrika at commercial businesses na napilitang magsara nung panahon ng ECQ. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.