Abante Tonite Interactive

Singil sa buwis ‘di itataas ni JOYB

273

Nangako si Quezon City Vice Mayo­r Joy Belmonte na walang magaganap na pagtaas sa singil sa buwis sa Quezon City sa ilalim ng kanyang panunungkulan oras na maging mayor ng lungsod.

Ayon kay Belmonte, hindi kaila­ngang magkaroon ng pagtaas ng koleksiyon sa buwis sa QC kundi kailangan lamang na maisaayos ang sistema ng pagbubuwis para makakolekta ng mas mataas na kita ang lungsod.

Aniya, hindi na kailangan pang dagdagan ang pasanin ng mga taga-lungsod at dagdagan ang kanilang gastusin para lamang tumaas ang koleksiyon ng QC bagkus ay mas kailangang bigyang pansin ang tunay na serbisyo ng lokal na pamahalaan sa bawat komunidad.

“The solution is not in tax increases. The solution is in improving tax collection. Ang dapat mapunta sa bayan, dapat ibigay sa bayan, tataas naman nang kusa ang pondo ng lungsod basta tama at maayos ang pa­ngongolekta. I assure you that there will be no tax increase in my time. Not in my term,” dagdag ni Belmonte.

Aniya, magsasagawa ang sanggunian ng dagdag na public consultations sa publiko upang malaman ang mga hinaing ng mga homeowner at para makatulong ito sa mas maayos na pamumuhay sa lunsod.

Sinabi ni Belmonte na papakingan nila ang hinaing ng bawat mamamayan hinggil dito at mula doo’y bibigyan ng solusyon ang anumang kinakaharap na problema para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.