Abante Tonite Interactive

Singil sa kuryente ng IEMOP iligal — Nograles

303

Kinastigo ni House ener­gy committee vice chairman Jericho Nograles ang Independent Electri­city Market Operator of the Phi­lippines Inc. (IEMOP) dahil sa umano’y iligal na paniningil sa mga consumer.

Binigyang-diin ni Nograles, kinatawan ng PBA Party-list na ang ope­rational contract ng wholesale electricity spot market na may P7,000 kapital na IEMOP na awtomatikong nagkakaltas ng halos P.84 sentimo kada kilowatt hour sa mga electricity consumer ay “anomalous and could be a basis of filing multiple cases against its officials.”

Aniya, ang IEMOP deal sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), isang government owned and controlled corporation (GOCC) para sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na nag-uutos para maningil sa mga electricity consumer ay iligal dahil hindi aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Kailangan umano ng ERC approval bago ang anumang panininingil sa mga electric consumer. Sa bawat 200 kilowatt per hour na kinokunsumo ng isang kabahayan, P2 ang napupunta sa IEMOP.

“Multiply that to the millions of households and IEMOP collects over a billion pesos a year,” sabi pa ni Nograles. (JCC)