Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singit na probisyon sa Comelec binasura ng Senado

0 139

Hinayag ni Senador Win Gatchalian na wala na sa propose budget ang siningit na probisyon na nag-aalis sa proteksyon ng pag-procure ng Commission on Election (Comelec) sa mga gagamitin nitong equipment para sa halalan.

“Sa pagkaalam ko doon ay may mga advocates, may mga taong tinututukan ang budget ng Comelec at doon na-detect, special provision, sa usapin ng budget ‘di lang pesos at centavos kundi special provision kasi parang katumbas ‘yan ng batas. Kasing kahalaga rin po ng budget na pesos and centavos,” sabi ng senador sa isang panayam sa radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, nagkausap na sila ni Senador Sonny Angara, chairman of the Senate Finance Committee, at sinabing tinanggal na ang naturang probisyon. Hindi na umano natukoy kung sino ang nagpalusot ng special provision na ito. Dagdag niya, “Sa pagkaalam ko doon ay thru special provision, ‘pag tinignan mo special provision parang inosente lang siya pero ang laki ng impact sa operation.”

Matatandaan na nabisto ang tangkang alisin ang procurement ng Comelec sa pamamagitan ng probisyon sa General Appropriations Bill na naglalaman ng 2021 national budget. Dito binibigyan ng awtoridad ang Comelec para balewalain ang mga kahingian sa Section 12 ng Automated Election Law.

Leave A Reply

Your email address will not be published.