Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singit P54B AFP pension hinarang

0 209

Wala sa lugar ang pagsisingit sa Kamara ng P54 bilyon budget sa pension ng mga sundalo sa ilalim ng panukalang Bayanihan 3 bill dahil wala itong kinalaman sa pagtugon sa epekto ng COVID19 pandemic.

“That insertion is really weird and completely out of place in what’s supposed to be a COVID response measure,” ani IBON Foundation executive director Sonny Africa.

Aniya, hiwalay ang isyu ng pension ng mga sundalo sa pandemya kaya’t hiwalay dapat ang batas na gagawin para dito para matalakay ng masinsinin ang mga isyu tungkol dito.

Dagdag pa ni Africa, pinakikita lamang ng pagsingit ng pension ng military sa budget ng Bayanihan 3 na higit higit na pinapaboran ng administrasyong Duterte ang mga sundalo at pulis kaysa sa karamihan ng mamamayan at pinapalusot pa nito ang pagtataas ng pension ng mga sundalo at pulis sa malawakang panawagan sa ayuda. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.