Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Single mom kìnatay sa bahay

0 99

Patay ang isang single mother matapos pagsasaksakin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Pangil, Laguna Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aime Javier, 36, taga-Barangay Natividad.

Sa report ng Pangil police, puwersahang pinasok ng suspek sa bahay ang biktima habang kasama ng huli ang kanyang 3-anyos na anak bandang alas-5:00 ng umaga

Nagtamo ang biktima ng 30 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ng kanyang mga kaanak sa General Cailles Memorial District Hospital sa bayan ng Pakil ang biktima subalit ideklara na itong dead arrival.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.