Abante Tonite Interactive

Single-use plastic bawal sa gobyerno

626

Bawal na ang paggamit ng mga ­single-use plastic sa lahat ng mga opisina ng gobyerno sa buong bansa.

Ito ay matapos aprubahan ng Natio­nal Solid Waste Management Commission (NSWMC) sa pamumuno ni Secretary Roy A. Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), bilang chair, ang resolusyon na nagbabawal ng single-use plastic sa lahat ng mga opisina ng gobyero sa buong bansa.

Ang NSWMC Resolution No. 1363, Series of 2020, na pinirmahan ni Cimatu, ay nag-aatas sa DENR na ihanda at ipatupad ang ban sa paggamit ng mga ‘unne­cessary’ single-use plastic product sa mga national government agency, local go­vernment unit (LGU), at lahat ng government-controlled office.

Ang mga produktong plastic na kasama sa ban ay mga cup na mas manipis sa 0.2 millimeter, drinking straw, coffee stirrer, spoon, fork, knive, ‘labo’ o thin at translucent plastic bag, at thin-filmed sando bag lower than 15 microns.

“The NSWMC resolution is a major step to curb the use of single-use plastic items that pollute our waterways, kill marine life and contribute to our country’s increasing solid waste,” sabi ni Cimatu.

Ayon kay Cimatu, bubuo ang DENR ng mga guideline para sa pagpapatupad ng plastic ban, na bahagi ng ‘solid waste avoidance and minimization strategy’ ng gobyerno.

Sa teorya ng United Nations, land-based sources, kabilang ang plastic waste na natatangay ng hangin sa mga ilog at creek ang dahilan ng 80 percent ng marine debris sa mundo.

Samantala, ipinagtanggol ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGUs Concerns Benny D. Antiporda ang desisyon ng NSWMC na walong uri ng single-use plastic item pa lamang ang pangunahing ipagbabawal.

“It was the decision of the NSWMC to come up with a balanced judgment on the use of single-use plastics by ta­king into consideration that we can only ban those that have available alternatives,” paliwanag ni Antiporda na alternate NSWMC chair.

Tinukoy ni Antiporda ang Section 29 ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, kung saan nakasaad na “non-environmentally acceptable products shall not be prohibited unless the [NSWMC] first finds that there are alternatives which are available to consumers at no more than 10 percent greater cost than the dispo­sable product.”

Ang NSWMC na binuo ayon sa RA 9003, ay isang inter-agency body sa ilalim ng Office of the President. Mandato nito na tiyakin ang solid waste management para mapangalagaan ang kapaligiran. (Riz Dominguez)