Abante Tonite Interactive

#SinglePaRin

398

Sa totoo lang, Va­lentine’s Day is just ano­ther day. Kaya huwag magmukmok kung walang ka-date at taong bahay ka today. Sabi nga nila, huwag bitter kung nana­natli kang single o ‘di kaya’y sawi sa pag-ibig.

Ayaw mo noon, ligtas ka sa heavy traffic. Sure akong bumper to bumper ang mga kalye dahil natapat pang Friday ang V-Day.

Aba, huwag mong sayangin ang araw na ito. Make this day productive and memorable kahit wala kang kasintahan. Narito ang ilang puwede mong gawin.

Mag-third wheel sa iyong parents. For sure, matutuwa pa silang kasama ka nila sa dinner date nila.

Kung may panahon pa, yayain mo ang mga kaibigan mong single rin. Mag-house party kayo o kaya’y kumain sa Eat-All You Can para tiyak na tanggal ang lungkot mo. ‘Yun nga lang, aaray ang bulsa mo sa gastos.

Puwede ka rin namang mag-videoke. Bumirit nang todo. Idaan sa kanta ang lumbay. Maniwala ka, maiibsan ang lungkot mo.

Baka puwede ring simulan mo nang magpaganda ng katawan. Mag-enroll sa gym para regular na makapag-ehersisyo. Ewan ko na lang kung hindi ka pa lingu­nin ng crush mo ‘pag nakitang hottie ka na.

Gamitin din ang pagkakataong ito para magsimba. Importanteng huwag makalimot na magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Malay mo sa simbahan mo makita ang iyong ‘the one’.

Ang sa akin lang, ‘di ka dapat ma-depress kahit single ka pa rin ngayong V-Day. Tandaan, hindi lang naman para sa mga couple ang Araw ng mga Puso. O tama na, baka isipin ninyo pa humuhugot lang ako. Happy puso sa ating lahat!