Abante Tonite Interactive

Singsing naimbento kontra hilik

265

Singsing kontra ­hilik?

Tama! Bukod sa gamit na ‘palamuti’ sa daliri at simbolo ng wagas na pagmamahalan ay may kakaiba ring taglay ang singsing. Ito ay ang pagpi­gil sa mga taong naghihilik.

Ang bagong imbensyon na ito sa UK ay gawa sa silicone na may nakaka­bit na sensor kung saan nata-track din nito ang blood oxygen level.

Mayroon din itong accelerometer – na siyang nagmo-monitor sa bawat galaw ng braso na nagiging daan din upang maituwid ang posisyon ng katawan habang na­tutulog.

Higit sa lahat ay nadi-detect ng high-tech na singsing na ito ang hilik na siya ring pumipigil para maging mapayapa at maibsan ang hatid na ingay dulot ng snoring.

Ang paghihilik ay mapanganib dahil maaari itong mauwi sa stroke o atake sa puso.

Mas epektibo anila itong isuot sa pala­sing-singan (ring finger) o middle finger dahil sa mas malaki ang vo­lume ng dugo na dumadaloy dito.

Bago inilabas ang nasabing ulat ay nagsagawa muna ng pag-aaral ang mga eksperto sa 10 nilang volunteer. Bago ang mga ito pinatulog ay pinasuot muna ang naimbentong singsing sa mga naghihilik na kalahok. Sa nasabing pagsusuri ay lumitaw na 80% itong epek­tibo.

Ang nasabing device ay ilalabas na sa merkado sa UK bago matapos ang taon kung saan nagkakahalaga itong £75 o katumbas na mahigit P5,000.