Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singsing ninenok sa bangkay

0 46

Buking ang pagnanakaw ng singsing ng isang helper ng punerarya matapos magreklamo ang namatayan sa Quiogue Funeral kamakalawa sa Pasig City.

Sa report mula sa Eastern Police District, nakilala ang suspek na si Jason Tan, 25, na sinampahan ng kasong qualified theft ng Pasig Police matapos ireklamo ni Marlyn De Mauro, 51, ng Pasig City.

Ayon kay Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig City Police, ika-7:45 Lunes ng gabi nang magreklamo sa Quiogue Funeral sa Barangay Caniogan si De Mauro, na nawawala ang gold ring ng nasawing ina na nagkakahalagang P10,000 habang nasa loob ng punerarya.

SM food to go Banner Ad

Agad namang umaksyon ang Sub-station 2 ng Pasig police at tiningnan ang nakakabit na CCTV camera sa punerarya. Doon ay nakita ang pagkuha ng suspek sa singsing na hanggang ngayon ay hindi na naisoli pa sa pamilya ng nasawi. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.