Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Singson lider sa ICTSI golf

0 128

Kuminang si Mafy Singson sa maulap at mahanging Tagaytay Highlands Golf Course upang tanganan ang liderato ng ICTSI Tagaytay Highlands Ladies Challenge sa kabila ng six-over par 76 Martes ng hapon sa Cavite.

Duplikasyon ang pinakitang ito ng matalentong amateur gaya sa ICTSI Aoki Classic sa Eagle Ridge sa nakaraang linggo agad na nanguna sa kabila ng pares na 38 dahil sa disgrasya nang maagang mga nangunang sina Sunshine Baraquiel (77) and Arnie Taguines (79).

“I didn’t play so well,” suma ni Singson, na tinalo ni Harmie Nicole Constantino ng one stroke noong isang linggo. “The wind was really strong and I just tried to hit my ball in the fairway and tried to play with the wind.”

Kasalo sa segunda ng polotong si Baraquiel sina Constantino, Korean Jane Jeong at isa pang amateur Laurea Duque sa inantala ng isang oras ng organizer Pilipinas Golf Tournaments, Inc. ang simula dahil sa buhos ng ulan para hindi agad malaruan ang course. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.