Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinibak na CebuPac flight attendant dinamayan ng netizen

0 110

Maraming netizen ang naantig sa vlog ng Cebuanang si Jen Barangan, sa latest vlog kasi niya, maiyak-iyak niyang kinuwento kung paanong nalusaw ang pinangarap niyang trabaho na pagiging flight attendant.

Sa vlog ni Barangan na “I lost my job as a flight attendant” na mayroon nang mahigit 1.2 milyong views, nilahad niya ang kanyang nararamdaman simula nang malaman ang pagkasibak sa Cebu Pacific.

SM food to go Banner Ad

“This by far the hardest vlog to film. And I don’t know how and where to start. I don’t even know how this vlog turns out,” ani Barangan. Nagsimula raw gumuho ang mundo niya nang makansela ang mga flight noong Marso. Nitong June 4 nang nakatanggap siya ng email tungkol sa retrenchment kung saan nakita niyang kasama ang batch nila roon. Sa sobrang pagka-shock ay namanhid daw siya at hindi makakilos.

Dahil dito, pinabaha ng mga fan ang mga larawan niya sa social media na may empowering caption para kahit papaano’y mapalakas ang loob niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.