Abante Tonite Interactive

Sinibak na MICP district collector nagsalita

514

Iginiit ni Bureau of Customs (BOC) District Collector Atty. Erastus Sandino Austria na maa­ring sindikato sa loob ng ahensya na kinabibila­ngan nito sa kabila ng pagpupursige ng Duterte admi­nistration na linisin sa katiwalian ito.

Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Austria na dating BOC spokesperson na ang isa sa mga patunay ay ang ginawang cover-up sa isang bilyong ha­laga ng “Tapioca Shabu” na nakalabas ng daungan at nakarating ng Malabon City noong Mayo 24, 2019.

Aniya, kataka-taka na nakalusot ito sa kamay ng customs officials at PDEA na kalaunan ay gumawa na lang ng statement na isa daw itong controlled shipment at bahagi ng isang entrapment operation.

Binigyang halimbawa pa ni Austria namay mga sindikato umanong gumagalaw sa BOC.

Sa kabila nito ay ipinagmalaki pa rin ng opis­yal na tumaas ang revenue collection ng ahensya sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Lunes naglabas ng relieve order si Customs Commissioner Rey Guerrero sa 9 na District Collector kasama si Austria na inilipat sa Port of Davao na dati na rin nitong pinanggalingan. (Dolly Cabreza)