Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinibak na pulis, tiningga sa ulo

0 462

Patay ang isang dating pulis matapos itong barilin sa ulo ng hindi nakilalang mga suspek sa Calamba City, Laguna Martes ng gabi.

Kinilala ng Calamba City police ang biktima na si Ramonito Suarnaba Tomo, na isa umanong dating pulis.

Naglalakad pauwi ang biktima alas-7:00 ng gabi nang pagtapat nito sa tanggapan ng BFP Regional Office sa Barangay Parian ay harangin ng mga suspek. Pagdaka’y dalawang beses itong binaril sa ulo gamit ang maiksing baril saka mabilis na tumakas.

SM food to go Banner Ad

Agad namang isinugod ng BFP personnel sa Calamba Medical Center ang biktima subalit nasawi rin ito.

Iniimbestigaahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari. Inaalam din ng Calamba City police kung bakit at kung kailan nadismis ang biktima sa serbisyo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.